Chapter Seventeen

104 7 0
                                        

Arshain's POV

Tanghaling-tanghali ay nakita kong may pinagkakaguluhan nanaman sila. Pero, hindi ko 'yun pinansin.

Nakatingin lang ako kela, Uchi at Ashi na magkatabi. Nakaakbay pa nga si Uchi sakanya. Tss.

Kusa nalang tumikom ang mga kamao ko.

NAGSESELOS AKO.

Lumabas muna ako para makapag-relax sandali. Dapat gumawa na ako ng paraan para...sagutin ako ni Ashi. Mukhang, inuunahan na ako ni Uchi. G*g*ng 'yun! Akala ko, tutupad sa usapan na--ang magkaibigan, hindi nag-aagawan sa babaeng gusto nila. Iyan ang usapan namin, pero ano? Wala, hindi siya tumupad. Nakakainis!!

Kotori's POV

Nagsisiksikan kami ngayon dito sa guest room. Pinagkakaguluhan iyong nakasulat dito sa pader.

"HE WHO SUFFERS, SHE WHO HELPS, AND HE WHO REGRETS...Ano naman iyan?!" Tanong ko.

Tumingin ako sa labas, nakita kong si Arshain ay tumingin lang saamin sandali at parang ang sama ng tingin sa kung sino tapos umalis agad. Minsan, naghihinala narin ako sakanya eh. Sa katunayan, si Arshain ang suspect ko. Bakit? Para kasi saakin ay kaduda-duda siya. Katulad nalang ngayon, imbis na makitulong siya saamin dahil nakahanap nanaman kami ng clue galing sa killer, wala...umalis lang siya at lumabas ata. Kitams? "Kotori, sinong tinitignan mo sa labas?" Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil kay Shido.

"Wala, wala..."

"Sa tingin ko, iyan ang identity ng mga killer..." Sabi saakin ni Shido habang nakatingin siya duon sa nakasulat sa pader.

"May point ka Shido..." Narinig pala nila si Shido. "Iyan nga ang identity nila.." Sang-ayon ni Sozine.

"Kaso, ang hirap parin eh. He who suffers? Sino naman iyan? Pati narin ang She who helps, at He who regrets?!" Naguguluhang sinabi ni Uchi.

"Parang may storya sa likod niyan." Makahulugang sinabi ni Ashi.

"Malalaman din siguro natin 'yon pagdating ng tamang oras." Tumingin silang lahat saakin.

"At kailan ang tamang oras na sinasabi mo?" Tanong saakin ni Shaya.

"Siguro kapag....kaunti nalang tayong natitira at kapag time na ng killer na ilabas ang identity niya."

"Mukhang alam ko na kung sino ang He who suffers..."Nalipat ang atensyon namin kay Uchi.

"Sino?" Sabay-sabay naming sinabi.

"Para saakin, 'yan iyong Freak. Kasi, siya lang naman ata ang nagsusuffer...nagsusuffer sa hitsura niya." Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni Uchi.

"Ewan ko sayo Uchi! Hindi ko alam kung pang-asar 'yang sinabi mo o ano." Natatawang saad ni Archie. Parehas pala kaming natatawa.

"Guys may aaminin ako..." Ano naman kaya ang aaminin ni Izle? May kinalaman ba sa killer?

"Ano 'yun?" Takang tanong ni Shido.

"Nanaginip ako..."

"Tungkol saan?" Tanong ni Shaya habang mataman lang na nakatingin kay Izle.

"Tungkol kay Yuxei daw...na tulungan ko daw siya. May papatay sakanya, tatlo sila...at isa pa..'yang nakasulat sa pader, 'yan 'yung tinuro saakin ni Yuxei sa panaginip ko. Silang tatlo daw ang p--papatay sakanya.." Niyakap ni Shaya si Izle na umiiyak na.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon