Chapter Four

185 9 3
                                    

[Shaya Nara Himeko on Multimedia--]

Shaya's POV

Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina. Hindi ako makatulog dahil nakikita ko sa isip ko ang bangkay ni Mei.

Nakatakip lang sa buong katawan ko ang kumot ko. Ramdam ko na sila Ashi, Yokasta, Arshain, at Uchi, ay tulog na.

Bakit ba kasi hindi ako makatulog?!

Naisipan ko nalang na bumaba at uminom ng gatas. Naalala ko kasi, sabi ng mama ko, kapag hindi ka daw makatulog, uminom ka ng gatas.

Nang marating ko ang baba ay may nahagip ang mga mata ko, Si Yuxei na nandoon sa living room.

Bakit hindi pa siya natutulog?

Nagtago muna ako at mataman na tinignan ang bawat galaw ni Yuxei.

"Buti nalang tulog na sila, magagawa ko na ang kanina ko pang gustong gawin..." Napatakip ako sa bibig ko.

Anong ibig niyang sabihin?

Hindi kaya.... Siya ang pumapatay?

Agad akong tumakbo papaakyat at pumasok sa room namin at nilock ko ang pinto kaagad.

You can't fool us Yuxei.

Yuxei's POV

Nandito ako ngayon sa living room. I'm having my own investigation. Kanina ko pa 'to gustong gawin kaso hindi ko magawa kanina.

Pinaulit-ulit ko itong video, duon sa part na nakuhanan iyong paa ng kasamahan ng isa pang killer.

Anak ako ng isang napakasikat na detective. Namana ko ang kakayahan ni dad kaya, heto ako ngayon, investigating on my own. Ayoko ng may sagabal sa mga investigations ko.

Zinoom-in ko iyong video duon sa paa lang ng kasamahan pa ng killer. Iyong sa part na habang nagbubuhos iyong killer 1 ng asido kay Hendrick. May nahagip nga si Izle at ako, na mayroon pang isang killer. Kaya lang, ang nakuhanan lang sakanya ay iyong paa niyang papalabas na ng pintuan. At para saakin iyon ay si Killer 2, ang kasabwat sa pagpatay.

Zinoom-in ko pa lalo at pinause ko.

Habang mataman kong tinititigan ang sapatos na iyon, bigla ko ring naisip na parang pamilyar ang sapatos.

Nakita ko na iyon...

Nag-isip pa ako ng nag-isip kung kanino ko nga ba huling nakita ang sapatos na 'yun.

Bakit hindi ko matandaan?!

Ang pagkakaalam ko lang ay...

nakita ko ang sapatos na iyon na suot ng isa sa mga kasamahan ko ngayon.

Shit, oo! Tanda ko na! Isa nga sa kasamahan namin ang may ganoong sapatos kaso, hindi ko maalala kung sino ang may-ari ng sapatos na iyon sa mga kaibigan ko. Pero kung isa nga sa mga kaibigan ko.......

Bakit? Anong dahilan?! Bakit siya pumapatay?

Shit lang! Kailangan ko ngang mas mag-ingat pa dahil isa pala saamin ang pumapatay. Si Killer 1 naman, pakiramdam ko ay hindi siya isa saamin pero, pakiramdam ko ay may koneksyon siya kay Killer 2.

Simula bukas, mas pag-iigihan ko pa ang pag-iimbestiga ko. Kailangan kong malaman kung sino ang salarin saamin...

------
Kinabukasan...

Shaya's POV

Tahimik lang kaming kumakain. Siguro ay hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakaka-recover sa nangyari kahapon. Dalawa agad ang nawala saamin. At hindi rin namin alam kung may mga susunod pa... "You all are so tahimik! Is it because of what happened yesterday?" Lumingon lang kaming lahat kay Yohee na kung makapagsalita ay parang hindi kami nawalan ng dalawang kaibigan.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon