[Uchi Yamari on multimedia--]
3rd Person's POV
Tulala ang lahat habang sila ay nasa iisang kwarto. Kanina ay inilagay na nila ang bangkay ni Maui sa basement kasama ni Mei. "Bakit hindi nalang tayo tumawag sa pulis?! Sabihin natin na, may pumapatay saatin.." Nanginginig na sinabi ni Izle.
"Sige, tumawag ka. Baka may signal?" Sarkastikong sinabi ni Uchi dito.
"Ano ba kasing nangyari kanina?" Tanong ni Kuyumi kela Arshain.
"Nagkwekwentuhan lang kami dun nang bigla nalang may bumagsak galing sa taas. Tapos iyon nga, pagtingin namin ay si Maui na pala.." Malungkot na sinabi ni Arshain dito at naikuyom pa ang kamao niya.
"Hindi niyo ba nakita kung saan room nanggaling ang bumagsak?" Makahulugang tanong ni Yuxei.
"Hindi namin nakita eh..." Sabay na sabi nung tatlo.
"Pero, ito...may nakita akong note sa bulsa ni Maui habang nilalagay namin ni Uchi ang bangkay niya sa basement." Kinuha ni Arshain sa bulsa niya ang nakita niyang note. Oo, sila kasi ni Uchi ang naglagay kay Maui sa basement.
Agad na kinuha 'yon ni Yuxei at binasa ng malakas. "There are three of us. Two inside, one outside."
"Ano ibig sabihin niyan?" Takang tanong ni Shaya.
Lahat sila ay napaisip. "Isa lang ibig sabihin niyan." Napalingon sila kay Sozine. Hindi na sila magtataka na masosolve nito, dahil matalino ito. "Tatlo ang killer. Dalawa saatin. At iyong isa ay hindi kabilang sa grupo natin. I'm not hundred percent sure pero, yun talaga ang pumasok sa isip ko." Payak na pagkakasabi nito.
"Imposible! Dalawa saatin ang killer!? Paano!?" Hurumintadong pagkakasabi ni Shido at tila ba nawawalan ng pag-asa.
"At Sino!? Eh halos kilala na nga natin ang ugali ng bawat isa!!" Inis na sinabi ni Archie. Para rito ay mahirap malaman kung sino sa kanila ang pumapatay. Napakahirap magbintang!
"Pero, aminin niyo na posible rin na dalawa nga saatin ang pumapatay." Taimtim lang na pagkakasabi sa kanila ni Kuyumi.
"Pwede nga. Posible. Kasi, kung may iba mang tao rito, edi dapat nalaman na natin hindi ba? Kasi, iyong siyudad dito, malayo.. As in, malayo! Limang oras pa para makapunta roon. So, posible nga na nasa atin ang mga killer. Ang tanong ay kung sino sila at ano ang dahilan nila kung bakit sila pumapatay?!" Napalakas ang boses ni Ashi. Nahihirapan siyang paniwalaan na, dalawa pa sakanila ang pumapatay.
"So, ano!? Naniniwala kayo sa note ng killer!? Baka nga alibay niya lang 'yan eh! Para magbintangan tayo!" Inis na sinabi ni Yokasta.
"Sandali nga, ayan nanaman tayo, sigawan! Hindi niyo idaan sa matinong usapan. Mas mabuti pa kung ipagpabukas na natin 'yan. Tara na, matulog na tayo. Bukas na natin pag-usapan ang pesteng note na 'yan." Pagkasabi nun ni Ashi ay isa-isa na silang bumalik sa nabagong assigned room nila.
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Mystery / Thriller"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."