[Kuyumi Itsuka on multimedia--]
His POV
"Ano? Kamusta ka naman? Pasensya n. Ngayon nalang ulit ako nakadalaw sayo. Oh heto...pasalubong. Kumain ka ng marami." Pinatong ko sa lamesa ang mga puso at atay ng mga hayop. Ito kasi ang kinakain ng kapatid ko.
"Salamat." Sign-language niya. At agad siyang kumain. Sanay na ako. Hindi na ako nadidiri. Nung una, oo...pero simula ng pumatay ako, sanay na akong makakita ng ganyan. Mga lamang- loob...
"Masarap ba?" Nakangiti kong tanong.
"Oo! Kuya, gusto ko ng mapaglalaruan! Pwede bang pasalubungan mo rin ako?"
Napangisi ako. "Oo naman. Sandali lang ha? Kukuha ako ng isa sa mga plastic kong kaibigan. Sandali lang. Maghintay ka."
Kinuha ko ang injection na naglalaman ng pampatulog at agad na bumalik ng mansyon. Sakto dahil---nakita ko si Kuyumi na nakaupo sa may labas. Mukha pa siyang badmood. Uy!
First time kong tatarget ng badmood!! Masaya 'to!
"Oy! Kuyumi, bakit nakabusangot ka?"
Tinignan niya ako. "Gabi na ah? Saan ka galing?" Taliwas niyang sagot sakin.
Lumapit ako sakanya. "Sige, sasagutin ko ang tanong mo pero...bakit muna nakabusangot ka?" Medyo papatagalin ko muna ang pag-uusap namin. Baka mabigla siya sa gagawin ko eh.
"Wala. Nag-away kasi kami ni Archie." Bwisit niyang sinabi.
"Bakit?"
"Bakit mo tinatanong?! Tss. Wala ka ng pakialam dun. Ikaw naman ang tatanungin ko, saan ka galing?"
Umakting ako. Kunwari ay patingin-tingin ako sa kung saan. AT, umaktong takot. "Pwede bang, saatin lang munang dalawa please?"
Mas lumapit pa siya sakin, magkatabi kasi kami. Ibig sabihin, interesante siya sa sasabihin ko. "Oh sige, sige. Ano ba 'yun?"
"Naglibot-libot kasi ako kanina sa gubat. Kaya nga kakarating ko lang dito 'diba? Dun kasi ako galing..."
"Oh, tapos?" Inantay niya ang susunod kong sasabihin.
"Alam ko na kung saan 'yung sikretong laboratoryo." Nagulat siya sa sinabi ko. Haist. Ang dali namang mauto neto. Naniwala agad sa akto ko. Pwede na pala ako mag-artista eh.
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Mystère / Thriller"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
