[Yokasta Rilline Kang on multimedia--]
Dedicated kay 'AlexieGwynethAragona'
Yokasta's POV
Tumawa siya ng tumawa at tumingin sa hawak kong gunting. "Ohh, sa tingin mo matatakot ako diyan?" Patuloy siya sa paglapit saakin habang ako ay atras ng atras.
Shit! Corner na ako.
"Paano ba 'yan? Wala ka ng matatakbuhan?" Nanginginig kong tinutok sakanya ang matalas na gunting.
"Subukan mong lumapit!" Takot ang nararamdaman ko ngayon. Dahil once na makuha niya ako, malamang ay papatayin na nila ako.
"Alam mo, hindi ka pa sana mamamatay ngayon eh. Kaso, umepal ka kagabi. Narinig mo ang pag-uusap namin!" Sinakal niya ako.
Sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko ay hirap talaga akong huminga. Pero, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para gasgasan ang mukha niya gamit ang gunting. Sa puntong iyon ay nabitawan niya ang leeg ko.
Naghabol ako ng hininga. "A-anong ginawa mo s-sa mukha ko?!?" Tumakbo ako palayo sakanya.
Nang bubuksan ko na ang pinto ay bigla niyang hinatak ang buhok ko at inuntog ako ng malakas sa pader. Nahihilo akong humarap sakanya.
Nakangisi lang siya saakin. "Bwisit ka!! Nagkaroon pa ako ng galos sa mukha!! Bwisit ka talaga!!" Hinatak niya ulit ang buhok ko at dinala ako sa kama. May itinurok siya saakin. Hindi ko alam kung ano iyon pero, naparalyzed ako. Hindi ko magawang gumalaw. At hindi rin ako makapagsalita.
Pinapanood ko lang siya habang papalapit saakin hawak ang ginamit kong gunting pangsugat sa mukha niya. "Alam mo ba na, hindi dapat ako ang papatay sayo? Pero dahil sinugatan mo ang maganda kong mukha, ako na ang papatay sayo ..."
Ngumiti siya ng pagkalaki-laki.
"Teka, paano ko ba sisimulan? Ngayon pa lang kasi ako papatay eh...Oo ngayon palang. And, i'm so excited!" Pinagmamasdan niya ang mukha ko. Nakangiti pa rin siya saakin.
Hindi ko alam kung paano nila 'to nagagawa sa sarili nilang kaibigan. Hindi ko alam kung nababaliw na ba sila o--may malalim na dahilan.
"Yokasta, ang ganda mo pala? Gusto mo bang maranasan maging pangit?" Kanina pa siya nakangisi.
UNGOL lang ang kaya kong gawin. Hindi ko talaga magawang makapagsalita. Kung wala lang siyang tinurok saakin, malamang ay kanina ko pa siya pinatay.
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Mystery / Thriller"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
