Chapter Five

203 8 2
                                        

[Yuxei Rhiella Shinyoung on multimedia--]

Shaya's POV

Dapat pala kanina ko pa binitawan ang kutsilyo na hawak ko, tsk. Napagbintangan pa tuloy ako.

"It's not what you think, Airee..." Angal ko at ibinaba na ang kutsilyo.

Pinakawalan ko na rin si Yuxei. "Bakit nakatutok kanina 'yang kutsilyong hawak mo kay Yuxei?" Takang tanong nito saakin.

"Yuxei, ikaw na nga ang magpaliwanag. Feeling ko maha-highblood ako..." Inis kong sinabi.

"Airee...balak niya akong patayin..."

Nanlaki nalang ang mga mata ko matapos marinig ang sinabi ni Yuxei.

May paiyak-iyak pa siyang nalalaman.

Ano 'to?!? Balak niya ba akong siraan!?

"JOKE!!!" Binatukan ko ng malakas si Yuxei samantalang si Airee naman ay kanina pa naguguluhan saamin.

"Gaga ka!! Balak mo pa akong siraan ah?!" Bwisit kong sinabi kay Yuxei na hagalpak kung tumawa.

"Ugh, kindly explain...." Natauhan naman kaming dalawa dahil kay Airee.

"Ah, kasi----pinagbintangan ako ni Shaya na ako daw ang killer..Duh! muntik pa akong saksakin ng gaga! Pero, napatunayan ko naman na hindi ako ang salarin so ayun, ibababa na sana ni Shaya maarte ang kutsilyo niya kaso bigla ka namang dumating kaya ayun." Paliwanag ni Yuxei.

Nagkatinginan kaming tatlo at bigla nalang nagtawanan. "Ano ba 'yan! Nagkakabintangan na tuloy tayo rito! Group hug nga!!" Sinabi ko nalang na agad rin nilang sinunod at mahigpit kaming nagyakapan.

"Girls... Nakalimutan ko, kaya nga pala ako nandito ay para sabihin sainyo na pinapatawag tayong lahat ni Maui. Mag-ipon-ipon daw tayong lahat duon sa garden. May importante daw siyang sasabihin.."

Nagkatinginan naman kami ni Yuxei. "Importanteng sasabihin? Baka may ipagyayabang nanaman. Duon naman siya magaling!" Ismid ni Yuxei.

"Mayabang talaga ang lalaking 'yun pero satingin ko ay may katuturan ang sasabihin niya ngayon." Seryoso kong sinabi at mataman silang tinignan.

"Pumunta nalang tayo sa garden."

Sumunod nalang kami ni Yuxei sa sinabi ni Airee. Pumunta na lang kami sa garden nang magkaalaman.

Maui's POV

Alam kong nagtataka na silang lahat ngayon kung bakit ko sila pinatawag dito sa garden.

"Pero, sa tingin mo ano kaya yung sasabihin saatin ni Maui?"

"Kayabangan.."

"Ano ba 'yan Airee! Seryoso kasi!"

Napatingin kaming lahat sa tatlong babae na kanina pa namin hinihintay na ngayon lang dumating at daldalan pa ng daldalan. Tss.

"Hoy!! Kayong tatlo! Saan ba kayo galing?!" Bwisit na tanong sakanila ni Ashi dala ng pagkainip.

"Kanina pa namin kayo hinihintay. Alam niyo ba 'yun?" Inis na sinabi ni Kuyumi. "Sayang ang oras..." Dagdag pa nito.

"Baka naman nagdaldalan lang kayo ng nagdaldalan?" Inismiran silang tatlo ni Kotori.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon