[Kim Ashiya Cheung on multimedia--]
Ashi's POV
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, medyo nanlalabo pa ang paningin ko.
Bakit nakapalibot sila saakin?
"ASHI, OKAY KA NA BA?" Sabay pang nagsalita si Uchi at Arshain, napatawa tuloy ako pati narin sila Sozine, Yohee, at Kuyumi kasi nandito rin sila.
"Oo, okay na ako. Teka, ano bang nangyari? Bakit nakahiga ako dito at nakapalibot kayo ngayon saakin?" Curious kong tanong.
"NAHIMATAY KA KASI." Nagkatinginan uli sila Uchi at Arshain dahil nagkasabay ulit sila sa pagsasalita. Ewan ko pero, parang may mga apoy ang mga mata nila.
Natawa nanaman tuloy kami. "Nahimatay? Paano?" Tanong ko nanaman.
"Hep hep! Ako na ang sasagot! Baka magkasabay nanaman kayo sa pagsasalita." Tumatawang sinabi ni Sozine. "Ganito kasi 'yun Ashi, kanina--naalala mo ba nung isa-isa tayong pinagbintangan ni Izle?"
Tumango ako, oo nga--iyong nangyari kanina..."Nung time na itinutok ni Shido iyong spotlight kay Izle, biglang umatake ang phobia niya. Then, ayun --nagkaroon ng gulo tapos umatake naman 'yong migraine mo. Natatandaan mo ba?" Pilit kong inalala, at oo--natandaan ko nga.
"Ah, ganun ba? Pasensya na.." Paumanhin ko. Nakakahiya...Pinag-alala ko pa sila.
"Pasensya for what sis?" Tanong saakin ni Yohee.
"Pasensya kasi, baka naging pabigat ako."
Umiling silang lahat. "No, why naman na magiging pabigat ka?! What are friends for right? We are always here for you. So, don't ya worry." Nakangiti niyang sinabi sakin. Napangiti rin naman ako dahil duon.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at umayos ng upo sa kama. "Wait, nasaan 'yung iba?" Tanong ko nang mapansin na ang daming kulang.
"Nasa kabilang kwarto. Nahimatay kasi kayo pareho ni Izle eh. Ayun, nandun ang iba...binabantayan si Izle." Paliwanag saakin ni Kuyumi.
"Speaking of Izle, nainis ba kayo kanina habang pinagbibintangan niya tayo?" Tanong saamin ni Uchi na ikinagulat namin.
"Hindi naman." Pag-amin ko.
"Ako? Hindi rin. Naiintindihan ko siya. Nawalan siya ng babaeng minamahal, kaya siguro--sa sobrang sakit na naranasan niya kanina, nagawa niyang pagbintangan tayong lahat. Tsaka malay natin hinuhuli lang pala ni Izle ang mga salarin?" Sang-ayon ako kay Sozine. Hanga talaga ako sa lalaking 'yan, talagang tinitimbang niya ang mga pangyayari. Malaki rin siyang tulong para masolve ang kasong ito.
"Ako, ayos lang naman. No hard feelings." Sagot naman ni Arshain.
"Ayos lang din saakin. Wala naman akong pakialam kung ano ang ginawa niya." As usual, malamig na sinabi ni Kuyumi.
"Me? Yes! Nainis ako to the highest level, kasi--ang strong naman ng loob niya to blame us! Baka nga mamaya eh, he is the one who's behind these. Like, he is one of the killers." Natawa nalang ako kay Yohee. Hindi na talaga mabago ang pananalita niya, conyo forever na ata 'yan.
"Uy! Ang sama mo naman!" Biro ko. "Duwag si Izle 'diba? Meron bang killer na duwag? Wala right?"
"Oo nga naman Yohee. Paano nalang papatay ang duwag? Ganito ba--" Tumayo si Uchi at nagsimulang umakto. Pinatayo niya rin si Sozine dahil kunwari ay ito raw ang papatayin niya at siya ang killer.
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Misterio / Suspenso"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."