EPILOGUE

104 5 1
                                    


Ashi's POV

Habang naglalakad kami dito sa gubat, hindi ko maiwasang magbalik alaala.

Naalala ko pa iyong mga panahong, kakapunta palang namin dito sa isla. Iyong mga panahong nagtatakutan sila Izle. Iyong mga panahong...puro kami daldalan habang nandito sa gubat. Iyong mga panahong sinabi nila Yohee na, pagod na sila maglakad dahil ang layo ng mansyon. Iyong mga panahong pagkapunta namin ng mansyon ay grabeng papuri ang ibinigay nila dito. Iyong mga panahong akala namin ay...sasaya kami sa pagbabakasyon dito.

Pero iyon pala....AKALA LANG NAMIN YUN. Minsan talaga, akala mo lang...pala. Katulad naming magbabarkada. Never naming inexpect na,.magkakaganito ang mga buhay namin. Never naming inexpect na sa pagbabakasyon pala dito---yun pala ang wawasak sa samahan namin. Hindi ko rin maiwasan minsan na hindi sisihin ang sarili ko.

Paano kaya kung hindi kami nagbakasyon sa islang ito?? Buhay pa kaya yung mga ibang kaibigan ko? O talagang...planado ang lahat? At nararapat talagang mangyari?

Pero sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Mas maganda talaga iyong dapat ay pag-isipan mo muna ang isang bagay bago mo gawin...

Katulad ko. Umpisa palang, pinagbawalan na ako nila mom and dad na magbakasyon sa pesteng Island na 'to. Pero ano? Wala, sadyang matigas ang ulo ko at hindi pa rin ako nakinig. Sinabi na nilang delikado pero hindi pa rin ako nakinig. Kasalanan ko ata talaga ang mga nangyari saamin. O talagang...planado ang lahat?  "I miss them..." Mahinang pagkakasabi ko pero narinig nila Archie at Arshain.

"I really miss them...so much.." Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Agad naman akong inalo nila Archie at Arshain. Nakita ko pa sila na ngumiti ng may halong lungkot. "Kami rin....." Sabay pa nilang sinabi.
"Malapit na pala tayo sa mansyon...tara lakad na." Ani Archie.

Ngayon ko lang rin napansin, oo nga. Nandito na kami.

Pagpasok namin ng mansyon ay agad akong kinilabutan sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko, may mangyayari nanamang hindi maganda. "Pagabi na rin pala. Tara kumain muna tayo." Hinain ni Archie ang mga pagkain na dinala namin. Matapos niyang maihain ay tahimik lang kaming kumain.

"Ang laki ng pinagbago ng mansyon. Parang...masyado itong malaki para saating tatlo." Basag ni Arshain sa katahimikan.

"Kasi...wala na sila. Tayo nalang natira. Ay, mali--sila Shido, Hendrick, Kuyumi, at Airee pa pala. Nga pala, kailan natin sila babalikan duon sa laboratoryo?" Tanong saamin ni Archie.

Nagkibit-balikat lang ako. "Kayo bahala." Seryoso kong sinabi.

"Sa tingin niyo, buhay pa kaya sila?" Napatingin kami kay Arshain.

"Oo naman. Sila pa? Susuko ba ang mga yun? Syempre hindi." Prente kong sinabi.

"Hmm, teka. 9:30 pm na pala. Matulog na tayo para may lakas tayong puntahan sila bukas sa laboratoryo." Suhestiyon ni Archie.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon