Ashi's POV
Nakatulala ako habang naghihintay sa labas ng emergency room. Kanina pa tulo ng tulo ang mga luha ko, hindi ko nalang pinapansin.
Nandito na kami sa Manila. Ang tagal ng binyahe namin. Hindi ko alam kung, nakatagal pa siya...
Alam kong maraming nawalang dugo sakanya.
Samantala, kami ay nagamot na ang mga sugat sa katawan. "Ma'am, sir..gising na po siya." Agad kaming napalingon sa doktor.
"Kamusta po ang lagay niya?" Nag-aalala kong tanong.
"Don't worry, okay nanaman siya. Kaso, kailangan natin ng dugo dahil masyadong maraming dugo ang nawala sakanya. Kailangan ko ng type B blood. Mayroon ba sainyong type B? Kailangan na ito agad.."
Tumingin silang lahat saakin. Alam ko na ang ibig sabihin nila. Ako lang kasi ang...Type B. "Sige po, ako nalang ang magbibigay ng dugo." Pagprisinta ko.
"Follow me iha." Sumunod nalang ako sa doktor. Pumunta kami sa isang room tapos ay kinuhaan na nila ako ng dugo.
Medyo nahihilo pa ako pero nagpasya na akong tumayo-- "Miss, magpahinga ka muna. May possibility na mahilo ka at mahimatay ka kapag babangon ka kaagad nang kakakuha palang sayo ng dugo." Sita saakin ng nurse pero, hindi ko nalang siya pinansin.
"No. Okay na ako. Kailangan ko lang pumunta ngayon ng emergency room.." Giit ko.
"Pero ma'am..." Hindi ko nalang siya pinakinggan at agad na lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa emergency room at nakita ko silang lahat na nakatayo at nakapalibot sakanya.
Dahan-dahan akong lumapit papunta sa tabi ng kama niya. Naiiyak nanaman ako. "Ashi..." Pagtawag niya pa saakin.
Hinawakan niya ang mukha ko.
"Bakit mo kasi ginawa 'yun? Sinalo mo iyong panang dapat ay tatama kay Arshain...Henry naman eh." Kaso, may kung anong parte saakin ang thankful kasi--kung hindi niya sinalo 'yun, baka si Arshain ang nakahiga ngayon sa hospital bed.
Ang sama ko ba?
"Wala 'yun. Eh kung hindi ko naman iyon sinalo, si--Arshain pa ang napana hindi ba? Tsaka, ang laki rin naman ng kasalanan ko sainyo. Ito na siguro ang karma ko, or may mas lalala pa. Akala ko nga patay na ako eh." Nagawa pa akong ngitian ni Henry kahit ganoon na ang lagay niya.
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Mystery / Thriller"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."