[Kuyumi Itsuka on Multimedia...]
Kuyumi's POV
Nakakairita ang mga sigawan nila. Ang layo ko na nga sakanila pero rinig na rinig ko pa rin ang mga kantiyawan nila.
"AYIIIIE!!"
" SI ARCHIE NAMUMULA!! ANG GAY!!!" Hagalpak na tawa Uchi.
"Pre? Ano pang tinutunganga mo diyan?! Sundan mo na si Kuyumi!!" Itinulak-tulak pa ni Izle si Archie para sumunod na saakin.
"Mukha ka ng kamatis! Masyado kang halata na kinikilig!" Asar pa ni Maui.
'Diba? Nakakairita? Tss. Malay ko rin ba sa sarili ko kung bakit si Archie pa ang napili kong samahan ako. Siguro 'yun ay dahil sa kapag seryoso na, ay seseryoso na rin siya. Hindi siya yung tipo ng taong mag-iinarte kahit na kailangan ay sumeryoso na. "Kaya si Archie ang napili ko..." Bulong ko sa sarili ko.
"Bakit nga ba ako ang napili mo?"
Nanlaki ang mga mata ko nang may nagsalita sa tabi ko. Nakangisi pa siyang nakatingin saakin.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at hindi siya pinansin. "Uy! Kuyumi na kahit hindi ata marunong ngumiti ay crush ko pa rin--"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong oras para lumandi Archie." Bwisit, mukhang nagkamali pala ako ng pagpili ng makakasama.
"Sorry kras...tatahimik na ako. Pero uy, once na makaalis tayo rito baka naman" Nahihiya pa niyang sinabi at nagkamot pa. "Baka naman pwede na tayong maglandian?"
Nag-iinit pisngi ko tss.
Bakit kasi napakastraight-forward ng Archie na 'to? Hindi niya ba alam na nakakailang ang ginagawa niya?
"Bumalik ka na nga sakanila! Mukhang nagkamali ako ng pagpili sayo!"
Mas lalo kong binilisan maglakad.
"Ito naman oh.. Nagsasabi lang naman ako ng matagal ko ng request. Ayaw mo naman kasi ako bigyan ng chance to prove myself. Mamaya niyan hindi na ako makalabas ng buhay dito e. Bahala ka, mamimiss mo ko at baka magsisi ka." May pagtatampo niyang sinabi na ikinakurot ng puso ko.
Hindi ko namalayan nasa loob na pala kami ng mansyon. "Nasaan nga pala ang basement?" Seryosong tanong saakin ni Archie.
"Sumunod ka nalang sakin." Hindi siya umimik at sumunod na nga lang sakin.
Napatapik ako sa noo ko. Bakit ba ako ganito? Ugh, bakit parang ayoko na hindi ako kinukulit ni Archie? Bakit ayokong nagtatampo siya sakin?
" Kuyumi? Kanina ka pa tapik ng tapik sa noo mo..." Hanggang ngayon ay seryoso pa rin siya.
"Wala. Huwag ka nga magseryoso. Mas gusto ko 'yung makulit na Archie." Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Bwisit talaga.
"Oh, okaaaaay..." Nakangiti na niyang sinabi saakin. At sa hindi malamang dahilan ay napangiti rin ako.
"N-Ngumiti ka?"
Biglang bumalik sa pagkaseryoso ang mukha ko. Ano ba talagang nangyayari saakin? Why am I smiling unconsciously? "Mas maganda ka pala kapag nakangiti eh! Mas naging crush tuloy kita." Pakiramdam ko ay uminit nanaman ang pisngi ko.
Damn this guy.
"Ewan ko sayo, Archie Tan Wong."
Nandito na kami ngayon sa living room. Yung red carpet na nakahelera sa gitna nitong living room ay inangat ko at bumungad saamin ang isang pinto pababa ng basement. "Paano mo nalaman 'yan?" Namamanghang tanong niya at hindi inaalis ang tingin sa basement.

BINABASA MO ANG
Experimental Island
Gizem / Gerilim"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."