Chapter Nine

197 8 3
                                        

[Sozine on multimedia]

3rd Person's POV

Nang makarating sila sa gubat ay agad-agad silang inayos ni Sozine kung sinu-sino ang magkakasama sa paghahanap. "Group 1, Arshain, Archie, Ashi, Yokasta, And Shaya. Dito kayo maghahanap sa bandang kaliwa."

"Group 2, Ako, Shido, Yuxei, Yohee, Kuyumi... Maghahanap tayo sa bandang kanan nitong gubat."

"Group 3, Airee, Kotori, Izle at Uchi. Dito kayo, sa gitna maghahanap. Diretso lang kayo. Okay! Go to your respective groups and start finding clues! Mamayang 3:00 ay bumalik rin agad kayo dito sa kinatatayuan natin dahil dito tayo magkikita-kita mamayang hapon." Agad na sigaw ng kanilang leader na si Sozine at nagsimula na silang maghiwa-hiwalay.

Ashi's POV

Lakad lang kami ng lakad dito. Katabi ko si Arshain habang naglalakad. "Ang hirap naman humanap ng clues!" Rinig kong reklamo ni Shaya.

"Oo nga eh. PERO, tiis-tiis lang. Makakakita rin tayo." Sinabi ko nalang. Tapos, nilibot ko ang paningin ko at baka sakaling may makita akong clues.

"Tignan niyo 'to!" Tinuro ni Yokasta yung nakasabit na papel sa isang branch ng puno.

'THOSE' Iyan ang nakasulat.

"Parang alam ko na, ang mga clues ay words. So, ayan..may nahanap na tayong isa. Siguro, kailangan pa nating maghanap para mabuo natin ang isang sentence." Sumang-ayon kami kay Shaya at nagsimula ulit kaming maghanap.

Yohee's POV

"Oh my! My skin is itchy na!! So init naman!!" Pagreklamo ko because it is true naman talaga.

"Puro ka arte! Pwede ba isantabi mo muna 'yang kaartehan mo dahil wala naman 'yang maitutulong saamin!" Isa nalang talaga at I will make sabunot na si Yuxei. I don't effin know why she is so irritated sakin!

I just rolled my eyes and keep finding those stupid clues.

"Sozine, inaaway ako ni Yuxei!!" I make sumbong.

"Pake ko?"

Ouch. Ouch talaga. Ouch. Bakit everytime na lang na he does that, ang iparamdam saakin na he doesn't like me... Nasasaktan talaga ako. SO MUCH.

"Bro! Ang harsh mo naman kay Yohee! Babae parin yan. Nasasaktan, alam mo ba 'yun?" Buti pa si Shido, he knows the kahinaan ng mga girls.

Naramdaman ko nalang na, may tumabi sa side ko. Si, Kuyumi pala. "Masanay ka na. Para kapag nasanay ka na, hindi ka na masasaktan pa."

What? For me ba ang line na sinabi niya? She is not looking at me kasi habang sinasabi 'yun. "Ako ba ang kinakausap mo?"

She just looked at me and then walked away. Luh?

I make habol nalang. Then,

I screamed.

Kasi, nadapa ako. Huhu. Tanga.

"Tsk. Lalampa-lampa kasi. Ano, kaya mo ba tumayo?"

Is it true?! Is it true na nag-aalala si SOZINE FOR ME?! "Ano? Kaya mo ba tumayo?" I snapped. Natulala na tuloy aketch.

I tried na tumayo but-- "I can't." I said to him. I'm not making arte ah? Hindi ko talaga kaya ang tumayo dahil, nalihis ata ang bone ko. It hurts but if Sozine will be so alala for me then I thank god for letting this happen!

"Sumakay ka." Iiih. So, sweet! Pinapasakay niya ako sa back niya.

I didn't tanggi because this is my chance na kaya! Haler!! Pinulupot ko pa ang kamay ko sa neck niya. Hihi!

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon