Chapter Fiftheen

148 8 1
                                        

[Arland Shain Westly or "Arshain" on multimedia--]

Izle's POV

"Bro, naamin mo na ba kay Yuxei na gusto mo siya?" Napaka-chismoso talaga netong si Uchi.

"Oo. Naamin ko na."

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga?! Anong sabi niya?" Natutuwa niyang sinabi.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Irita kong sinabi.

"Basta! Ano ngang sabi niya?!" Pangungulit pa niya.

"Hoy! You two!" Tumingin kami kay Yohee. "You keep on arguing and arguing! What are you talking about ba?" Ngayon, nasa amin na ang atensyon ng lahat.

"Ah, kasi alam niyo ba...si Izle," Panimula ni Uchi.

"Anong meron kay Izle?" Tanong ni Shaya kay Uchi pero saakin siya nakatingin.

"Naamin na pala niya kay Yuxei na gusto niya 'to." Dagdag pa ni Uchi.

Napatakip ako sa tenga dahil naghiyawan sila. Mga siraulo. Psh. "Naks! Pagdating pala sa pag-ibig...HINDI KA DUWAG!" Humagikhik sila sa sinabi ni Archie.

"Eh, anong sabi ni Yuxei?" Nag-smirk sakin si Sozine.

"Pareho pa kayo ng tanong ni Uchi. Tsk, kailangan ko ba talagang sagutin 'yan?" Umiwas ako ng tingin.

Tumawa siya. "Bakit? Ano bang sabi niya?" Tumayo si Sozine. "Ganito ba?" Huminga siya ng malalim at nagsimulang umarte at magboses babae. "Izle, gusto rin kita..."

Tawanan nanaman ang nangibabaw. "T*ngn* pre!! Hindi bagay magboses babae ka!!" Halos malaglag na sa upuan si Shido kakatawa.

"Baka maturn-off pa si Yohee sayo!" Sabi naman ni Arshain.

"Hep hep hep! Never akong matuturn-off kay Sozine noh! Itaga niyo pa 'yan sa sexy body ko!" As usual, conyo parin ang pananalita ni Yohee. Kelan kaya didiretso ang dila niyan?

Patuloy parin sila sa pagtawa. "Sorry pero hindi ganun ang sinabi niya."

"Ay! Eh ano?" Tanong ni Sozine saakin.

"Pagkatapos kong umamin sakanya na gusto ko siya.. ito ang sabi niya. A-ah...ganun ba? Ah sige. Teka, a-aalis na k-ko. May k-kailangan pa k-kasi akong g-gawin. He-he."

"AHAHAHAHA!" Nakakairita na, tawa sila ng tawa. Tch. Napapatawa rin tuloy ako.

"Aw, wawa naman pala si Fafa Izle eh!" Biro ni Arshain tapos tawa nanaman sila.

"Ay sandali nga, speaking of Yuxei, kanina pa nasa kusina 'yun ah? Bakit ang tagal niya? Puntahan niyo nga! Siya na ata ang umubos ng juice na dapat ay ititimpla niya saatin.." Natatawang sinabi ni Kuyumi.

Ngayon ko lang din narealized na kanina pa pala wala si Yuxei. "Kami nalang ni Uchi ang pupunta sa kusina. Tara pre!" Sabi ko at sabay kaming pumunta sa kusina.

"Yuxei?" Sigaw ko pero walang sumasagot, hindi ko alam pero bigla akong nanlamig.

"Yuxei? Nasaan ka?" Pag-ulit ko pa. Nilibot namin itong kusina hanggang sa may naapakan ako at pagtingin ko, bigla nalang bumuhos ang luha ko.

"HINDI !! HINDI 'TO TOTOO!!" Sigaw ko.

Ashi's POV

Narinig naming sumigaw si Izle. "Anong hindi totoo?" Nasabi nalang ni Shaya.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon