[ Kotori on multimedia-]
Kotori's POV
Nasaan ako? Bakit parang, nasa isang abandonadong laboratoryo ata ako? Bakit ba ako nandito?
Ang alala ko lang ay, nabwisit ako kay Shido....umalis ako ng kwarto at--paglabas ko ng pintuan, may bumulaga sakin na baseball bat. Tapos ito na--nandito na ako.
Tinignan ko ang kabuuan ko, nakatali ang mga kamay at paa ko dito sa pesteng bulok na upuan.
Tumingin ako sa taong nasa harapan ko, at laking gulat ko nalang-- "Shido!! Shido gumising ka!!" Nakatali rin kasi siya sa upuan. May dugo pa ang gilid ng noo niya. Hindi ko alam kung bakit.
Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. "K--kotori?" Lumingon-lingon siya sa kung saan. "Asan t--tayo?"
Inis, iyan ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako sa taong nagdala samin dito--walang hiya!! "Hindi ko alam Shido. Basta, paggising ko--nandito na tayo." Malamig kong sinabi. Naalala ko nanaman kasi ang usapan namin kanina.
"Kotori, mamamatay na nga tayo. Galit ka pa rin sakin?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong mamamatay ang sinasabi mo diyan!? Ikaw lang ang papatayin dito!! Ikaw lang ang mamamatay huwag mo kaming idamay ng magiging anak m--" Bigla akong napaiwas ng tingin. Takte, nadulas ako. At, hindi ko rin alam kung bakit naiiyak na rin ako. Siguro, natatakot ako kasi... Kung papatayin ako, syempre mamamatay din ang nasa sinapupunan ko. Hindi ko man lang masisilayan ang mukha ng anak ko? Hindi man lang niya masisilayan ang mundo ngayon?
"Tama ba ang rinig ko? M--magiging anak ko?" Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sakanya. "Kotori, sabihin mo...nabuntis ba kita?" Nanatili lang akong nakatingin sakanya.
"Ano ba Kotori!! Totoo ba?!" Hindi ko na napigilan ang luha ko. Umiyak na ako sa harap niya.
"Oo!! Oo, nabuntis mo ako!! Ikaw ang magiging ama ng batang dinadala ko!! Oh ano? Masaya ka na?! Ay hindi pala, hindi ka masaya kasi--ako ang nabuntis mo at hindi si Airee. Tsaka, alam kong hindi mo rin naman pala 'to pananagutan kaya--"
Napansin kong umiiyak na rin siya. "Anong hindi?! Ako ang magiging tatay niyan kaya pananagutan ko 'yan!!" Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas na mistulang nagwawala. "F*ck!! P**a talaga!! Kailangan nating makaalis dit--"
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Misterio / Suspenso"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
