[Yohee Kushigake on multimedia-]
Ashi's POV
Taranta ko siyang sinalo dahil bigla siyang natulala at mukhang babagsak kaya inagapan ko.
Napatingin ako sa leeg niyang may nakatusok na isang bagay. Mukha itong karayom pero, hindi siya karayom.
"A-arshain?! Arshain!! Gumising ka!!" Natataranta kong sinabi. Pero, wala...wala parin siyang malay.
Akay-akay ko siya habang palabas kami ng music room. Nakasalubong namin si Yohee, kasama niya si Sozine. Gulat silang napatingin saamin. "What happened?!" Agad na tanong ni Yohee.
Tinuro ko ang leeg ni Arshain. Agad silang lumapit at tinignan ito. "May lason 'yan!! Halika! Dalhin natin siya muna sa kwarto sa second floor at kahit mahirap ay itatry kong tanggalin ang lason..." Naiiyak kong tinignan si Arshain habang buhat siya ni Sozine. Totoo kaya ang sinabi niya?! Lason ba 'yun?
Mabilis pa kami sa alas-kwatrong nakaakyat sa second floor at hiniga muna si Arshain. "S-sozine...ano ba 'yung nakatusok sa leeg ni Arshain?" Naiiyak kong sinabi.
"Ginamit siguro ng killer iyong kadalasang ginagamit ng mga Indian. 'Yun bang parang straw or kahoy na pahaba tapos kapag inihipan mo ay may lalabas na parang karayom na may lason? Ayun ang nakatusok sa leeg niya ngayon. At kailangan nating matanggal agad para hindi kumalat ang lason sa katawan niya." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako.
"Sozine...gawin mo ang lahat ng makakaya mo. Please?? Anak ka ng doctor 'diba?! Please..." Pagmamakaawa ko.
"Yeah. Don't worry. I'll do my best. Pero, huwag niyo akong iistorbohin habang ginagamot siya. Mayroon lang akong labing-limang minuto para tanggalin ang lason. Kapag hindi ko nagawa 'yun...mamamatay siya."
Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Sozine. "Ashi, we should go outside and let's make hintay nalang." Niyakap ako ni Yohee at dinala niya muna ako sa labas nitong kwarto.
Yohee's POV
Wawa naman si Ashi. Her papa Arshain is in danger. Huhu, pati ako tuloy is naiiyak na. Ashi kasi eh, nakakadala ang tears niya. "Ashi, shh...stop crying na. Arshain will be okay. Sozine will tanggal the lason sa body niya. Stop crying na..." I make hagod her likod. She's still crying.
"S--sigurado ka? M-matatanggal ba n-ni Sozine ang l-lason? Magiging o-okay ba s-siya?" I make tango.
"Yes, i'm sure of it. God is watching us. I'm sure that he has awa."
"Pero----pero...p-paano kapag h--hindi natanggal a--ang la---son?" She's stuttering...I guess, takot siya sa pwedeng mangyari kay Arshain.
"Don't be nega nga!! Magiging okay si Arshain. okay? Shh, stop crying na...sige ka, magiging kalokalike mo na si Bakekang, you want ba?" I joked.
She smiled at me but still, there are tears which are continously falling down on her face. "Ikaw talaga Yohee!" She chuckled. And I am happy na, tumawa narin siya kahit paano. "Pero, salamat sa pag-comfort sakin ah?" She wiped her luha.
"No problem at all. What are bestfriends for? Right?" I seriously said.
"Thanks talaga!" She hugged me like I can't make hinga na! So, I pushed her.
"You talaga! I can't breath!"
She chuckled again. Then, her wristwatch caught my mata, it's been 15 minutos!! "Waaaah! Ashi, finish na ang 15 minutes! Tara, lets go back sa loob ng room!"
![](https://img.wattpad.com/cover/28046303-288-k360280.jpg)
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Tajemnica / Thriller"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."