[Sozine On multimedia--]
-----
Archie's POV
Ang weird din ni Miette minsan ano? Tss. Hindi ko alam kung babala na ba iyong sinabi niya o concern lang siya saakin?
Paakyat na sana ako ng hagdan nang may mapansin ako sa sahig. Isang papel.
Kinuha ko iyon at binasa.
Archie, gusto mo bang malaman kung sino ang kumuha kay Kuyumi? Well, meet me at the middle of the forest. Now.
What the fuck?!
Pupunta ba ako? Kasi, baka mamaya ay patibong lang pala 'to. Kaso---nakita ko kasi sa likod ng papel ang pangalan ng nagsulat.
Hindi naman siguro ako ipapahamak ng babaeng yun?
Tama, pupunta ako. Gusto kong malaman ang kung sino man ang kumuha or--nag-eksperimento kay Kuyumi. Ako na mismo ang papatay sakanya.
Matapang akong pumunta ng gubat kahit mag-isa lang ako. Ayokong mag-sama, gusto ko...ako ang reresolba sa katarantaduhang ito.
Arshain's POV
Tinanaw ko si Archie habang lumalakad papunta sa---teka! Bakit pupunta siya mag-isa sa gubat? Alam niya ba ang ginagawa niya?!
Kahit medyo hina pa ako ay lakad-takbo akong pumunta ng garden. "G--guys!"
"Oh? Bakit pre? Tsaka, bakit parang tumakbo ka? 'Diba bawal kang tumakbo? Baka mas lalo ka lang mang-hina!" Sita ni Sozine saakin. Samantala ang tatlong babae naman na nandirito ay biglang namutla.
"K--kailangan nating pumunta ng gubat. Magdala nalang kayo ng flashlight. Madilim sa gubat panigurado." Utos ko kaagad sakanila. Kailangan naming sundan si Archie.
"Pero, bakit? Anong gagawin natin sa gubat? Delikado 'yun!" Giit ni Uchi.
"Yun nga eh!! Delikado pero bakit pa pumunta duon si Archie ng mag-isa lang siya?!" Bwisit kong sinabi. Kinakabahan ako para kay Archie.
"Hindi niya ako pinakinggan!? Bakit?! Ang sabi ko ay mag-ingat siya!! Ang sabi ko ay matulog na siya!! Pero, bakit---bakit ang kulit niya!?" Galit na tanong ni Miette na ikinagulat ko.
"So, may alam ka rito?!" Napaiwas siya ng tingin.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ng mahigpit ang balikat niya. "Sino ba kasi ang pumapatay?!" Inalog-alog ko siya.
Pinigilan naman ako ni Izle. "Bro, babae 'yan!"
"Sorry. Binalaan ko na si Archie. Pero, hindi niya ako sinunod." Hindi ko nalang pinansin si Miette at sumigaw.
Kapag nakipagtalo pa ako, baka hindi na namin maabutan si Archie ng buhay. At hindi ko naman hahayaang mangyari yun. Bestfriend ko 'yon at hindi ko hahayaang mapatay siya ng wala akong ginawa!
"Pumunta na tayong gubat bago pa mahuli ang lahat!!" Agad naman silang natauhan sa sinabi ko.
Archie's POV
Hindi ko alam kung nasaan na ako. Basta, ang alam ko ay nasa gitna na ako ng guba---Gitna ng gubat? Teka...so, nandito na 'yong taong nagpapunta saakin dito?
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Mystery / Thriller"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
