[Arshain on multimedia--]
Ashi's POV
Thank god dahil, wala namang nangyaring masama saamin kagabi. At thank god dahil, nagising rin kami ngayon ng buhay, walang galos sa katawan. At isa pa--- "SHEMS!! MAKAKAALIS NA TAYO SA P*TANG ISLAND NA 'TO!!" Sigaw ni Shaya na ikinatawa namin.
Naligpit na naming lahat ang aming mga damit. Nakalagay na 'to sa mga maleta. "Guys, kapag nakauwi na tayo, ireport agad natin 'to sa mga pulis ah?" Sinabi ko.
"Oo. Sasamahan kita diyan." Inakbayan ako ni Arshain, pero...hindi nakalagpas saakin ang pag-iwas ng tingin ni Uchi.
"Kaya lang, paano natin 'to ipapaliwanag sa mga magulang nila Mei, Hendrick, Airee, Yuxei, at ng iba pa?" Nag-aalalang sinabi ni Sozine.
"Kaya 'yan!" Nginitian nila ako.
"Eh, paano kapag tayo ang sinisi ng mga magulang nila?" Pangangamba ni Izle.
"Huwag nga kayong nega! Tss! Think positive okay? Uuwi na nga tayo eh!" Sabi ko pa.
"Guys!" Napalingon kaming lahat kay Archie na naka-wheelchair pa rin. "Yung pangako niyo saakin ah? Bibilhan niyo ako ng paa!" Naiiyak pa nitong sinabi kaya tumakbo kami papalapit sakanya at binigyan ng isang malaking yakap.
"Oo naman pre!" Ani Arshain
"Tangna pre!! Ang bakla mo! Huwag ka nga umiyak! Hindi bagay sayo pre!" Natatawang sinabi ni Izle.
"Gago!! Masaya lang ako kasi, sa wakas...makakaalis na tayo sa DemoNEWCASTLE ISLAND na 'to!!" Natawa kami dahil sa sinabing iyon ni Archie. Maloko talaga 'to kahit kailan.
"Guys! Time check! 7:49 am!! Hala!! Malapit ng dumating yung barko natin!! Tara na at pumunta sa lugar kung saan tayo susunduin ng barko!!" Aligagang sinabi ni Shaya na mas nagpatawa saamin.
"Halika na nga! Baka iwan pa tayo ng barkong susundo saatin!" Ani Sozine.
Agad kaming lumabas ng mansyon at pumunta sa dapat na puntahan, sa tabing-dagat kung saan kami susunduin.
Oo, nakakalungkot na, noong una ay labing-pito pa kaming naghaharutan, nagkukulitan, at nag-aasaran. Pero, ngayon ay pito na lang kami. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mangyari saamin 'to.
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Misterio / Suspenso"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
