Chapter Thirty

69 4 0
                                    

Arshain's POV

Fvck. Ako nalang ang natitira at si Ashi.

Ito na ata ang hudyat para ihanda ang sarili ko. Para kasi saakin, okay lang naman na patayin ako. Kaso...ayoko namang iwan si Ashi. Papakasalan ko pa 'yan. Hihingin ko pa ang permiso ng mga magulang niya. Ipapakilala ko pa siya sa mga magulang ko. Kaya, hindi pa ako pwedeng mamatay. "Hala, Ashi.......si Arshain na ang susunod. Drama nanaman siguro ang masasaksihan ko. Tss."

Hindi ko kayang lumingon sa itaas. Ayoko makitang nasasaktan si Ashi.

"No!! Please, huwag si Arshain!! Ako nalang!! Pakawalan mo na siya!! Wala naman siyang kasalanan dito!! Ang dami mo ng dinamay! Please lang!" Narinig kong palahaw niya. Fvck talaga. Kung kaya ko lang tumakas dito, kanina ko pa ginawa.

"Hindi naman pupwede yun. Sa laro ko, kasalanan ng isa...kasalanan ng lahat. Kaya, lahat naman kayo ay papatayin ko. Huwag kang mag-alala, isusunod na rin kita." Tumawa si Sozine.

Naramdaman ko ang presensya ni Sozine sa harap ko kaya napalingon ako sakanya. "Kung pagsabayin ko kaya kayo? Para maganda. Ano sa tingin mo?"

Napaurong ako nang lumapit siya sakin, hanggang sa maramdaman ko na parang may isang matulis na bagay sa likod ko pag-atras ko.

Kinapa ko yun...

Isa palang pocket knife.

Agad ko iyong hinawakan. "Tama pagsasabayin ko kayo. Ikaw, habang sinasagutan mo ang riddle, si Ashi naman ay dahan-dahan na bababa papunta sa lalaglagan niyang mga freaks na papatay sakanya. Ang ganda ano?"

Sinimulan ko ng tastasin ang tali sa mga kamay ko. Nasa likod kasi ito nakatali kaya hindi pansin ni Sozine ang pagtatastas ko ng tali sa mga kamay ko.

"Henry! Sige na, pindutin mo na ang machine." Natanaw kong may kung ano ngang pinindot ang kapatid ni Sozine dahilan upang bumaba ng dahan-dahan si Ashi.

Iyong mga halimaw, ay parang talamak na talamak na makain si Ashi.

Nagkakagulo sila sa loob ng glass cube.

"Here's your riddle...Arshain."

Nararamdaman kong unti-unti ng lumuluwag ang pagkakatali sa kamay ko.

I'm almost there....

"Take away my first letter, and I still sound the same. Take away my last letter, I still sound the same. Even if you take away my letter in the middle, I will still sound the same. I'm a five letter word. What am I?"

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon