Chapter Twenty-Three

73 4 0
                                        

[ Miette on multimedia--The new character. ]

3rd Person's POV

Nag-uusap-usap lang ang barkada para sa mga balak nila sa natitira pa nilang tatlong araw bago makaalis sa isla nang biglang nagring ang doorbell. "Teka, kumpleto naman tayo ah? Except kay Arshain na comatose. Pero, sino 'yang magdodoorbell?" Takang tanong ni Uchi sa mga kasama.

"Huwag niyo bubuksan!!" Natatarantang sinabi ni Izle.

"At bakit?" Pagtataka ni Shaya.

"Baka yan 'yung isa sa mga pumapatay!! Baka papatayin na niya tayong lahat! Kasi tatlong araw na lang at makakaalis na tayo! Baka hindi na niya tayo papatakasin!!" Kinakabahang sagot ni Izle.

Tumatawang binato ni Arche si Izle ng kanyang tsinelas. "Masyado namang malawak ang imahinasyon mo bro!! Ang duwag mo talaga ano?! Hindi naman siguro..."

"Oo nga! Malay mo, rescuer na pala natin yan, hindi ba?" Masayang pahayag ni Shaya.

"Baka nga! Sana, makaalis na tayo rito!" Ngiting-ngiti si Sozine. Umaasang baka iyon na nga ang taong magliligtas sa kanila.

Napangiti naman si Ashi dahil sa mga tinuran ng kasama.

Sa sobrang saya ni Ashi, siya na ang nagprisinta na magbukas ng pinto. Ang iba ay sinundan pa siya dahil sa pagtataka kung sino ba ang nasa likod ng pinto.

"Huh?" Sabay-sabay nilang nasabi pagkabukas ni Ashi sa pinto.

"Magandang umaga sa inyo.." Yumuko pa ang isang magandang babae sa harapan nila. Napakuputi nito at makinis ang balat. Kulay pulang rosas din ang labi nito na sadyang nakakaakit.

"At talagang pumunta nga si Ate dito?" Wika ng isang tinig.

"And who the hell are you?" Maarteng tanong ni Shaya rito. Siniko siya ni Ashi at pinagsabihan na hindi tama ang tinuran nito.

"Ang ganda mo naman. Kamukha mo si Tiffany ng Girls Generation!!" Natutuwang pahayag ni Izle at matamang tinitigan ang babae sa harap nila ngayon.

"Pero, sino ka?" Takang tanong ni Uchi sa magandang dilag.

"At...anong ginagawa mo dito sa islang ito? May kailangan ka ba saamin?" dagdag pa ni Sozine.

"Sandali nga! Papasukin muna natin siya!" Singit ni Ashi.

Binulungan siya ni Shaya. "Papapasukin mo 'yan? Eh hindi nga natin kilala 'yan eh!" Maski si Yohee ay napatango sa sinabi ni Shaya. Pero, hindi nalang sila pinansin ni Ashi at tuluyan nang pinapasok ang babae.

Naupo silang lahat at nagsimula ng magpakilala si babae. "Ako si...Miette. At, nandito ako para--"

"Para ano?" Inip na tanong ni Archie.

"Para tulungan kayo." Seryosong pagkakasabi ni Miette.

"Teka, sandali!! Tulungan? Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Izle.

"Alam kong may pumapatay. Alam ko rin kung sino siya....sila. Masyado na silang mapanganib. Kaya, nandito ako para---" Napatayo sa upuan si Shaya. "At paano mo naman nalaman 'yan'!? Siguro kasabwat ka nung mga killer ano!? Aba! Kung pupwede ay umalis kana rito!! Balak mo pa kaming lokohin ha?! Pwes, hindi kami tanga!!" Pinaupo siya ni Ashi.

"Tumahimik ka nga Shaya! Hindi tama ang pagtrato mo sa bisita!"

"At ako pa ang naging mali?!" Sinamaan ng tingin ni Shaya si Ashi.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon