Chapter One

495 12 4
                                    

[Mga Portrayer ng mga babaeng characters natin.. On Multimedia--> ]

Ashi's POV

"Mom? Asan na ang surprise na sinasabi niyo?"

Hindi ko na maitago ang excitement. Kaka-graduate ko lang sa kursong Bachelor of Science in Accountancy at kakauwi lang namin dito sa bahay. Gusto ko na malaman kung ano ang surprise nila saakin na paulit-ulit nilang sinasabi saaken kanina habang pauwi.

May inilabas si mom na isang envelope mula sa kanyang bag. "What's that?"

"See for yourself..." Nakangiting inabot saakin ni Mom ang envelope at nagtataka nalang akong inabot iyon.

Ano naman kaya ito? Pera? o ano?

Maging practical tayo, pera gusto koooo

Tahimik kong binuksan ang envelope and to my dismay, hindi pala pera ang laman...

Isang papel.

Kunot-noo ko iyong binuklat upang basahin.

My jaw dropped, nakasaad lang naman kasi dun ang testament ni Lola Lydia. "Is this real? Pinapamana na sakin ni Grandma yung mansion niya?" I reassured.

Nakakagulat naman kasi bakit saakin? I thought ang favorite ni lola ay iyong pinsan kong si Liam at pansin naman naming lahat iyon. Dahil tuwing birthday ni Liam, pinaghahandaan. Engrande pa ang regalo ni lola, pero kapag ako--babati lang iyon. Hindi rin ako ganun kalapit kay Lola Lydia kaya't bakit saakin ipinapamana?

Tumango sila saakin with a big smile on their faces. "Hindi rin namin inexpect na sayo ipapamana. Akala namin kay Liam din. Ano kayang pumasok sa isip ni lola mo ano? Baka pambawi niya sayo sa mga pagkukulang niya." My mom concluded.

 "Baka nga ganun ma, kaya pala kanina pa kayo naeexcite ipakita saakin. Talagang nakakagulat! Pero hindi ako natutuwa ma, parang may mali. Char. Well, thank you nalang ng super kay Lola lydia. Tawagan ko siya mamaya para magpasalamat."

"Mabuti pa nga. Ashiya, wala ka naman sigurong balak pa bumisita sa mansyon ano?" Tanong saakin ni dad at saglitang lumingon siya kay mama na parang may ibig sabihin.

"Actually I am thinking about having a summer vacation there ngayon dad.  Kahit 3 weeks lang with my classmates since ayun din ang pinag uusapan namin kanina dad during the graduation ceremony." Bigla ko lang din kasi naisip na, why not sa mansion nalang din. Perfect timing! Dahil kanina ay hindi rin makapagdecide mga frenny ko kung saan ba dapat kami magbakasyon. Bet nila yung worth it because this will be our first time!

Bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Sobrang obvious dahil hindi na maipinta ang mukha nilang pareho. Kaloka. "Ano nga ulit ang pinangako mo sakin dad? Hindi ba at sabi mo ay once naman na makagraduate ako ay hahayaan mo na ako mag overnight and such? Naging obedient naman ako sayo during my college life sana naman dad, mag tiwala ka na saakin." I pleaded. Ang strict kasi niyan ever since. College ako pero kung itrato parang high school student. As in.

"Anak, napakalayo naman kasi niyan. Newcastle Island?! Papayagan naman kita mag overnight na or what. Ayaw mo ba sa bahay nalang ng mga kaibigan mo? Bakit naisipan mong sa mansion pa?" Angal ni dad. Jusko.

"Para saan pa at pinamana sakin 'to kung hindi lang din bibisitahin? Marami naman kami dad eh. Nag ooverthink ka nanaman eh." I looked at my mom na sinisiko na si dad, senyales na payagan na sana ako because gaaaah! I'm too old for this asking for your parents' permission stuff.

"Anak, delikado sa island na 'yan. Siguradong-sigurado ka na ba na magbabakasyon kayo dun? Kasi alam mo, magubat doon. At tsaka--tsaka...ah basta! DELIKADO duon. Sa ibang lugar nalang kayo magbakasyon." Hindi ko maintindihan kung bakit parang takot na takot si Dad. Maski si mama eh, panay ang bulong kay dad kaya't napapabusangot na talaga ako. Masyado na silang nag-iisip ng kung anu ano!

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon