Chapter Twenty

80 4 0
                                    

[Kuyumi "Ice Queen" on multimedia--]

Airee's POV

Hindi ko alam kung ilang-araw na kaming nakakulong sa impyernong 'to. Sawang-sawa na ako dito. Gusto ko nang makaalis. Pero, hindi ko alam kung papaano. Noong una, hirap na hirap akong Mag-adjust sa lugar na 'to. Hindi na ako si Airee. Ako na si Walking Doll. Hirap na hirap akong kumilos pati na rin ang magsalita. Ginawa niya akong manika 'diba? At isa pa, iyong mga kinakain namin...hindi na pagkain ng tao. Kundi laman ng tao mismo.

Noong una talaga...sinusuka ko lang 'yon lahat. Hindi ko alam kung bakit si Hendrick ay mukhang sanay ng kumain ng ganoon.

Kalaunan, noong mga oras na gutom na gutom na talaga ako, tinanggal ko ang pagkamadiriin ko sa katawan ko at sinimulang kumain ng mga ganun. Unti-unti naman akong nasasanay. Parang kumakain nalang ako ng atay ng hayop. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nasasarapan na ako sa lamang-loob ng mga tao. Siguro, nakasanayan ko na lang?

Katulad nalang ngayon, kumakain nanaman kami. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakasurvive dito. Kailangan lang siguro ng lakas ng loob. Buti nalang talaga at hindi ako basta-bastang sumusuko. Hangga't kaya ko, lalaban ako. Ayan si Airee, ayan ako.

Pero, minsan...tuwing maaalala ko ang mga kaibigan ko. Naiiyak nalang ako sa isang sulok. Namimiss ko na kasi sila. Eh sila kaya? Namimiss rin kaya nila ako? Sinubukan kaya nila akong hanapin?

Kamusta na kaya sila?

May tumuktok sa rehas ng kulungan ko. Si Hendrick pala,

"Umiiyak ka nanaman...bakit?" Mataman niyang tanong saakin.

Agad kong pinahid ang mga luha ko. Araw-araw na ata akong umiiyak dito. "W-wala..namimiss k-ko na kasi ang m-mga kaibigan n-natin.." Ganito nalang ako palagi. Hirap magsalita.

"Sana, balang-araw ay makawala rin tayo dito..."

"S--sana nga.." May narinig kaming lumangitngit, senyales na may pumasok.

Tinignan ko ang tagabantay na may dala-dalang...

Teka, Kuyumi?!

Napatayo ako at humawak sa rehas ng aking kulungan at kinalabog ko 'yun ng kinalabog. "A--anong ginawa m--mo kay Ku--yumi!??" Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay ipinasok niya si Kuyumi sa kulungan, katabi ng sa akin.

"Kuyumi...K--kuyumi, bakit g-ganyan ang i-itsura mo? Pinag-eksperimentuhan k--ka rin b--ba niya?" 'Iyong itsura kasi ni Kuyumi, kakaiba. Masyado siyang maputla. Ang mga balat niya ay tila pinaulanan ng yelo.

May idinikit ang tagabantay sa Pintuan ng kulungan ni Kuyumi.

Ice Queen

Ice queen?! So, ginawa niyang taong-yelo si Kuyumi!? Walang hiya talaga siya!!

"K--kuyumi...kausapin m-mo naman ako.." Dahan-dahang lumingon si Kuyumi saakin. Para siyang walang emosyon.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon