[Airee Tamaki on multimedia--]
Airee's POV
Napahawak ako sa noo kong may dugo gawa ng pagkakalaglag ko dito. Pagkatapos kong bumulusok ay ito na ang kinahinatnan ko. Medyo nahihilo pa ako dahil nauntog ako sa kung saan. "Teka, anong lugar 'to?"
Tila isang abandonadong laboratoryo. Napakaraming matutulis na bagay. Gaya ng syringe, scalpel, mga matatalas na gunting at kung anu-ano pa. "Bakit ito nandito sa ilalim ng lupa?" Sabi ko pa dahil nga nagtataka ako kung bakit nandito itong laboratoryo na ito sa ilalim ng lupa.
Parang itinatagong lugar...
"Shit! Ang baho! Amoy dugo, bwiset!" Reklamo ko pa.
Sa paglilibot ko ay di sadyang nakatapak ako ng isang panyo. May nakaburda ditong..
H & H brothers...
"Huh?" Nasabi ko nalang. Kanino naman kaya ito?
Naisipan ko pang maglibot sa laboratoryong ito. Gusto ko nang umalis pero may nagtutulak sakin na mag-libot pa dapat ako dito.
"Elevator?" May nakita kasi akong elevator, kaya pumasok ako sa loob. Dalawang arrow lang ang pagpipilian. Left and right. Pinindot ko ang right. Then, umandar itong elevator ng pa-right. Kakaiba. Ang karaniwang elevator ay umaandar ng pataas at pababa. Pero, eto...pakaliwa at pakanan ang andar. At isa pa, gawa ang elevator na ito sa glass. Yeah, sa glass.
"Oh my! Ano ang mga ito?" Napahawak ako sa bibig ko at parang naiiyak na ako. Natatakot ako sa mga nakikita ko at the same time ay nagtataka at naaawa.
Tumigil na ang elevator at bumukas ang glass door . Tumambad saakin ang kulungan ng mga hindi pang-karaniwang nilalang. Meron isang tao na walang saplot at puro pako ang katawan, mayroong isa na..batang babaeng nakasuot ng pang-ballet pero wala siyang mukha, sayaw lang siya ng sayaw. Mayroon namang isang lalaki na tahi ang mga mata at bibig...pero, malakas atang makiramdam.
Napaluhod ako habang umiiyak ng malakas.
May narinig akong humihilik kaya't napahawak ako sa bibig ko at pinigilang umiyak dahil baka marinig ako ng tagabantay. Marami siyang mata, napakalaki ng bibig niya na abot-tenga. Matatalas ang mga ngipin...
Natutulog siya.
Aalis na sana ako dito kaso...may isang nilalang na umungol ng mahina. Napalingon ako dun at nanlaki ang mga mata ko... Siya yung taong-kwago.
Tahimik akong lumapit sakanya, dahan-dahan akong naglakad dahil baka magising ang tagabantay. Tinitigan ko itong taong-kwago. Nakatingin lang din siya saakin. Pansin kong may mga luhang namumuo sa mga mata niya.
Inabot niya saakin ang kamay niya kaya napaatras ako.
Nadako ang atensyon ko sa leeg niya. Mayroon itong tattoo...at, ang tattoo na 'yun ay-- "H-hendrick?? I-ikaw ba y-yan?" Bulong ko. Ramdam kong umiiyak na ako.
Tumango ang nilalang na nasa harap ko.
Nagsimula na rin siyang maiyak.
"Shh, h-huwag ka mag-alala. I-itatakas kita dito...s-sandali..." Paalis na sana ako kaso hinatak niya ako. Umiling-iling siya sakin.
"Ayaw m-mong makaalis d-dito?" Nagsign-language siya. Buti nalang at nakakaintindi ako ng sign-language.
"Baka mapahamak ka...umalis ka na, Airee..." Iyan ang ipinahiwatig niya.
"P-pero...paano ka? D-dito ka nalang ba?! Hindi! Hindi ako papayag! Kailangan kitang itakas rito!" Pasigaw kong binulong.
"Sige na, umalis ka na...Baka magising ang tagabantay!" Pag-sign-language niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28046303-288-k360280.jpg)
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Misteri / Thriller"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."