Chapter Three

250 10 2
                                        

[Portrayer po ng mga lalaking characters..On multimedia--]

Yokasta's POV

Bumangon na ako sa higaan ko.

Kainis naman, nakakasilaw 'yung araw and 'yung mga ka-room mate ko na sila Ashi, Shaya at Yuxei ay nakangiting nakatingin saakin. "May problema ba sa mukha ko?" Parang mga tanga, nakatitig lang talaga sila saakin.

"Wala. Ang ganda mo pala talaga Yokasta. Kahit bagong gising!" Nang-uto pa talaga 'tong si Shaya na minsan ay nakakairita din sa sobrang pagkaarte.

"Oo nga ang ganda mo, tignan mo kami, ang oily ng mga mukha namin. Pero ikaw? Fresh na fresh! Ay hindi lang pala ikaw! Si Ashi rin! Ang ganda oh! Fresh na fresh rin!" Gatong naman ni Yuxei tapos nagtawanan sila ni Shaya.

Nagkatinginan nalang kami ni Ashi, nagkibit-balikat tapos ay tumawa. "Oh? Bakit kayo tumatawa?" Pasalit-salit kaming tinignan ni Shaya.

"Wala! Tawanang magaganda lang. Hindi ka kasama..." Natatawang sinabi ni Ashi tapos ay binato niya ng unan si Shaya.

"Maganda naman ako ah? Kamukha ko nga raw si Park Shin Hye eh!" Pagmamaktol ni Shaya.

"Lul!!!" Pinagbabato namin siya ng unan.

Kotori's POV

Naghahanda kami ng mga kakainin namin para mamaya, kapag kumpleto na kami. "Yohee!! Pakikuha nga ng suka at toyo!" Nagluluto kasi ako ng adobo.

"Why me? Sila nalang ang utusan mo, I'm making ayos my face kasi baka mamaya ay dumating na ang crushie ko na si Sozine!!" Nakakairita talaga ang pagcoconyo niyan. Ako ang nahihirapan sakanya magsalita eh.

"Ako nalang ang kukuha." Malamig na sinabi ni Kuyumi. Okay, sanay na nanaman kami. Lagi naman siyang malamig magsalita and we don't know why. Feeling ko nga ay bored na bored siya sa buhay or, may tinatago lang siyang problema na hindi niya maiopen saamin? Because she prefers facade.

Matapos niyang iabot sakin ang suka't toyo ay bumalik na siya sa kinauupuan niya. "Nga pala, Nakita niyo ba si Mei? Nasa kanya pa yung libro kong 'Distinguished' gusto ko ng basahin yun! Ang tagal-tagal ng nasa kanya! Mas nauna pang basahin ng nanghiram yung libro ko kesa sa may-ari!" Gigil na gigil kong sinabi.

Nagtawanan sila. 

"Sino ba kasing tanga ang nagpahiram?" Pang-aasar pa sakin ni Airee.

"Edi ako na tanga! Mga letse kayo!" Tinawanan lang nila ako.

"Pero, seriously...nasaan si Mei? Hindi natin siya nakasama sa pagtulog eh.." Ang huli ko kasing kita sakanya ay kagabi, hatinggabi ata iyon noong bumaba si Mei kasi tinawag siya ni Hendrick.

"Ay! Baka she slept  with her boyfriend , Si Hendrick?" Sabagay, may punto nga itong si Yohee.

"Baka pinatay na ni...Hendrick sa pag-- alam niyo na. Hindi ba't malibog si Hendrick?" Napalingon kami kay Kuyumi na medyo natatawa.

"Wala naman namamatay sa sex Kuyumiii!" Sigaw ko pero pagkuwan ay natawa.

"Meron kaya. May nasearch ako about duon. Masyado naman kayong seryoso. Baka naman kasi nandiyan lang sa tabi-tabi iyong magjowa." Nakahinga naman kami ng maluwag dun.

Napalingon kami sa pumasok. Sila Arshain, Archie, At Shido.. Pawis na pawis sila at bakas ang pagkataranta sakanilang mga mukha. "Anyare sa inyo?" Tanong ko.

"Si....si Mei at Hendrick..." Namumutlang sinabi ni Archie.

"Anong meron sakanila?" Tanong ni Kuyumi.

"Kagabi pa sila nawawala...."

Nabitawan ko ang hawak kong sandok. "Ano?! Sigurado ba kayo?! Baka kung saan-saan lang nagpunta ang dalawang 'yun...." Kinakabahan kong sinabi. Positive lang palagi!!

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon