[Miette on multimedia--]
3rd Person's POV
Nanlulumo silang bumalik sa mansyon.
Inihiga muna nila Izle at Uchi si Archie sa sofa na putlang-putla dahil sa maraming dugo ang nawala rito. "Ako ng bahala sakanya. Arshain, pakikuha ng first-aid kit ko." Agad na sumunod si Arshain kay Sozine.
Hanggang ngayon, wala pa rin silang kaalam-alam na ang taong laging nandiyan para tulungan sila, ay ang taong papatay rin pala sakanila na walang iba kundi si Sozine. "Ahm, Ashi? Shaya? May wheelchair ba kayo dito? Matapos kong gamutin si Archie ay ilalagay natin siya sa wheelchair." Ani Sozine.
"O-oo. Nasa bodega nga lang. Teka, sandali kukunin namin ni Shaya." Agad na umalis ang dalawang babae at pumunta ng bodega.
"Hindi ko talaga akalain na si Yohee pa ang isa sa mga killer..." Panimula ni Ashi.
"Ako naman, noong una palang ay pinaghihinalaan ko na siya. Kaso, yun nga lang....tinigil ko na ang paghihinala ko dahil duon sa tahi niya sa bibig na prostetic lang pala." Nasabi nalang ni Shaya.
Sa kabilang dako...naiwan si Miette sa gubat, humahagulgol habang nakayakap kay Yohee na walang ulo. "Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko sa pagkamatay mo...." Umiiyak na sinabi nito at mas lalo lang niyakap ang walang buhay na kapatid.
Sa mansyon, nagising na si Archie. May benda ang dalawang paa nito at nakatitig sa kawalan. Samantala, ang kanyang mga kaibigan ay naiiyak at naaawa, habang nakatingin sa kanya. "Bakit ganun?" Nagtaka ang mga kaibigan ni Archie sa tanong niya.
"Anong bakit ganun, Archie?" Takang tanong dito ni Izle.
"Bakit hindi pa ako namatay? Dapat tinuluyan na ako para makasama ko na si Kuyumi sa taas." Makahulugan nitong sinabi.
Naiyak naman si Ashi sa inasal ng kaibigan. "At bakit ka ganyan, Archie? H--hindi ba dapat magpasalamat ka dahil nabuhay ka? Kung kami ang tatanungin m--" pinutol ni Archie ang sasabihin pa dapat ni Ashi.
"At bakit naman ako magpapasalamat? Oo, nabuhay nga ako...wala naman akong dalawang paa. Ano yun? Habang buhay nalang akong uupo sa pesteng wheelchair na 'to!? Magiging pabigat lang ako sainyo!!" Sinabi ni Archie ng may hinanakit at nagsimula ng mamuo ang luha sakanyang mga mata.
"Maaaring may dahilan kung bakit ka pa binuhay pero, huwag na huwag mong sasabihin na magiging pabigat ka para saamin." Malumanay na sinabi ni Sozine. Sino nga kayang mag-iisip na ito ang salarin? Hanggang kailan kaya siya magpapanggap? Hindi nga kaya siya nakokonsiyensya sa ginagawa niya? O, may napakabigat talaga siyang dahilan?
"Tama si Sozine. Mga kaibigan mo kami. Nandito kami lagi para sayo. At tsaka, hindi ibig sabihin na wala ka ng paa ay wala ka na ring magagawa, marami ka pang pwedeng gawin. Hangga't may buhay, may pag-asa." Dahil sa litanya ni Arshain ay tuluyan na ngang naiyak si Archie.
"S--salamat, k-kundi dahil sainyo...b-baka patay na rin a-ako ngayon. Tama kayo, d-dapat hindi ko sasayangin a--ang oportunidad na 'to." Niyakap ng magkakaibigan si Archie.
Habang si Miette, ay nakatayo sa may pintuan at kanina pa sila pinapanood. Hindi nga lang nila napansin. May, sama ng loob sa mga mata nito. "Huwag muna kayong magpakasaya." Napalingon ang lahat sakanya.
"Ikaw?! Alam mo.. panira ka ng--" Tinakpan ni Uchi ang bibig ni Shaya at nagtanong kay Miette. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi porket napatay NIYO na ang kapatid--"
BINABASA MO ANG
Experimental Island
Misterio / Suspenso"It's more fun to conduct an ingenious experiment on HUMANS."
