"Hala! Bakit ngayon mo lang nalaman? So yung mga nakita pala namin non na mga gwapong lalaki ay mga CEO ng mga sikat na company?" hindi makapaniwalang sabi ni Eunice kinuwento ko kase sakanila ang mga nangyare simula sa umpisa hanggang sa nagpakilala si Lorenz saken at ang mga kaibigan niya.
"Ohmyyy! Iba na to. Hindi ako makapaniwala" sabi ni Alice nakatulala na at parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.
"Ayan! Oh, ano kayo ngayon. Ang taas ng mga gusto niyong maabot ha." sabi naman ni Precious habang sumisipsip pa sa milktea na iniinom niya.
"Eh, hindi ko nga alam gagawin ko kapag nakaharap ko nanaman sila. Nahihiya ako." nakayukong sabi ko.
"May ganon ka pala?" sabi naman ni Precious na nakangiti pa
"Meron naman no! Anong akala mo saken walang hiya?"
"Oo. Minsan kase ang lakas ng loob mo e."
"Well, ganon talaga. Natututo e." sabi ko at sumipsip na rin sa iniinom kong milktea. "Pero sana lang maging maayos pa rin at magstay parin ako doon. Gusto ko na sa trabaho ko ngayon e." sabi ko sakanila sabay sabay naman silang tumingin saken ng nakakaloko. "Napano kayo ha?"
"Ikaw talaga Camilla" sabi naman ni Alice " Ayiee" napataas ang kilay ko sakanya
"Ikaw ba naman may inspirasyon ka pagkatapos maganda pa yung pinagtatrabahuan mo tapos may CEO pakayong gwapo sino naman ang gugustuhing umalis pa diba. Kung ako yan doon na lang ako e." sabi naman ni Eunice.
"Kaso hindi ikaw, ako to." nakangiwing sabi ko.
Hindi ko rin alam.Wala akong alam. Pati ako nagugulo hindi ko rin alam kung anong dapat kong isipin.Nag iiba-iba ang mga naiisip ko.Hindi na rin nga yata ako makapag isip ng maayos dahil walang pumapasok na maayos sa utak ko.Nakakaloka na.
" Wag ka ng umalis diyan, sayang naman. Maayos kanaman diyan diba?" Tanong ni Precious tumango ako. "Yun naman pala e. Atsaka malaki din ang naitutulong niyan sainyo lalo na sa pamilya mo diba Camilla?
"Oo nga e, kahit ilang buwan palang ako sa Scott Company sa sweldo ko nabayaran kona yung ibang kailangan bayaran sa amin. Yung unang sweldo konga nag grocery ka agad ako ng mga pagkain at iba pang kailangan sa bahay."
" Kita muna malaki naman yun sweldo sa company niyo e" tatango tangong sabi ni Alice.
"Tska nabigyan ko din non ng pambayad yung kapatid ko para sa field trip or project na nila yon. Buti nalang nabigyan ko siya at nakasama siya. Yung sa sumunod naman ay binigay ko kina mama papa sila na ang bahala." nakangiting sabi ko. Masaya talaga ko dahil sa wakas ay may nagagawa nako may naitutulong nako.Marami pakong gustong mangyare at maabot sa buhay namin.
" Sana all diba mabait masipag " sabi naman ni Precious natawa lang ako
"Tama yan ikaw lang muna makakatulong sa pamilya mo. Kaya moyan. Pero alagaan mo din ang sarili mo marami ang nagkakasakit dahil napapabayaan nila ang health nila" pagpapaalala naman ni Alice madalas talaga siya yung tipo ng tao na nagwoworry sa lagay namin.
"Oo naman. Hindi ko naman napapabayaan. Kumakain at natutulog naman ako" tatawa tawang sabi ko.
"Alam ko.Natutulog at kumakain ka nga nasa tamang oras ba?" sabi naman niya nahinto ako sa pagtawa. "See."
"Alam niyo naman diba." napabuntong hininga nalang sila. " Para ko kayong jowa ha" natatawang sabi ko tumingin sila saken at natawa din.
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.