Chapter 21

6 2 0
                                    

"Ate Ember! Hoy! Gumising ka na nga diyan" nagising ako sa malakas na pagyugyog saken ng kapatid ko na si Christy. Ayaw ko pang bumangon dahil feeling ko pagod na pagod ako at gusto ko pang matulog pero imposible yatang makatulog pako dahil ginising na ako at alam ko rin naman na hindi ako makakatulog pa dahil sa ingay at likot ng mga kapatid ko.


Tumayo ako at dumiretso kaagad sa banyo upang maghilamos at magsepilyo. Humarap pa muna ako sa salamin at pangiti ngiti. Gustong gusto ko kaseng tinitingnan sa salamin ang pagmumukha ko.

"Ang ganda ko" natawa ako sa sarili kong nasabe. " Minsan maganda ako minsan naman ang panget ko" sabi ko sa sarili ko habang ang paningin ay nasa salamin paren



"Ano naman kayang ga-gaw-win ko nga-yown?" tanong ko sa sarili ko habang nagsesepilyo at nakatingin paren sa salamin taas baba at side by side ang pagsesepilyo ko sa mga ngipin ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil wala naman akong pasok ngayon at bukas mayroon na.Isang araw lang ang wala akong pasok, day off kung tawagin. Swerte nako dahil hindi lahat may pa day off sa mga kumpanya halos straight days kase.


Nang matapos ako ay dumiretso kaagad ako sa sala at naabutan konaman na naghahanda na ng almusal sina mama at papa ang mga kapatid ko naman ay nasa harap na ng mesa.

"Oh Ember buti gising kana, puyat ka nanaman hindi ka kaagad natutulog." sabi naman ni mama na tumingin pa muna saken bago niya ibinalik ang kanyang paningin sa mga inaayos sa mesa.

"Hindi ka pa ba nasanay diyan sa anak mo simula noon hindi na natutulog ng maaga kahit sabihan mo hindi naman nakikinig ang kulit ng panganay mo." sabi naman ni papa napangiwi nalang ako palagi kase nila akong sinasabihan pero hindi ko talaga magawa hindi ko mapigilan simula kase noong bata pa ako ay hindi na ako nakakatulog ng maaga dahil nagaaral din ako ng liksyon para sa mga quizzes, exams, etc. namin. Gusto ko na nasa top ako palagi noon kaya pinagbubuti ko ang pag aaral ko para naman saakin iyon at para na rin sa pamilya ko.


"Ma, gusto ko ng sinangag" sabi naman ng bunsong kapatid namen.


"Ako ma gusto ko yung white rice." sabi konaman mas gusto ko ang white rice kumakain naman ako ng sinangag pero yun paren ang pinili ko.


"Oh,anong gusto niyong inumin?Kape o milo?" tanong naman ni papa samen

"Kape saken pa" sabi ko naman pati si Christy


"Samen milo" sagot ng tatlo ko pang kapatid

Natapos ang almusal namen at dahil wala akong magawa ay nagprisinta ako na ang maghugas ng mga plato sa ganitong paraan nalang ako may naitutulong sa bahay dahil nagtatrabaho ako ay hindi katulad noon kapag naglilinis ako sa bahay na ang dami dami.



"Oh wala kang pasok?Labas tayo kain tayo sa labas"  sabi naman ni Eunice sa kabilang linya tinawagan niya ako


"Oo wala nga. Sige ano bang oras?"


" Ngayon na para marami tayong oras mag bonding"



"Sige magre ready lang ako. Maliligo munako."



"Bilisan mo ha? Tapos ang tagal niyong maligo umaabot ng isang oras mahigit!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya


"Hoy hindi kaya! Ang bilis ko ngang maligo e! Baka kayo yung matagal!" sabi ko at napairap pa


Tumawa siya. "Joke lang eto naman bibilisan ko nalang para sayo Camilla baka mainip ka pa e."


"Buti pa. Saan tayo magkikita kita?"


You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now