Camilla’s PovNandito ako ngayon sa kotse ng lalaking to.Hindi ko rin alam kung bakit nagka-ganito.Hindi ko alam kung bakit parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
Dahil sa pagkaka-alam ko no’ng una ko siyang maencounter ay napagsungitan niya ko tapos bigla nalang siya naging ganito saken ngayon dahil ba sa tinulungan ko sila kahapon? Pero siguro bad mood lang talaga siya no’ng araw na una ko siyang maencounter kaya ganun nalang ang naging empression ko sakanya.
“Just point where is the way to your home,okay?” tumango lang ako sakanya
May sumpong lang siguro siya minsan pero mabait naman pala talaga siya.Kase hindi naman niya ko kakausapin at ihahatid kung masama ang ugali niya.Pumayag at kinausap ko na rin siya kahit hindi ko siya lubos na kilala dahil nga naisip ko na mukhang maayos naman ito dahil sa kanyang hitsura at mga kilos.
“Malapit naba?” tanong niya pero hindi ako sumagot.
Hindi ko rin alam kung bakit kaagad ako nagtiwala sakanya pero feeling ko kase ay mapagkakatiwalaan naman siya, may kung ano sa aken na dapat ay pumayag ako.Hindi ko alam kung dahil ba sinabi niya na mas safe ako kung siya ang maghahatid saken?
“Ganito ka ba kapagod?” tumingin ako sakanya bago sumagot
“Ah,siguro.”
Ganun ba siya mag-alala sa lahat? kung ganoon nga ay napakaswerte naman nila dahil kung titingnan mo siya ay kahit sino man ay papayag dahil sa hitsura niya palang isama mo pa ang pagiging concern niya.Pero hindi sapat na dahilan ‘yon.
“Just rest for a while,” pagkasabi niya niyon ay tumingin siya saken at tumingin din ako sakanya pero nag-iwas din agad ako ng tingin ng magtama ang aming mga paningin sa isat-isa
Hindi ako mabilis mapapayag pero ngayon ay hindi ko alam.Siguro ay gabi na talaga at sobrang late na kaya delikado na sa daan.Tama.Pero ang isipan ko ay hindi pa rin mapakali,iniisip ko kung bakit ganito nalang ako mag-isip.Naiilang din ako dahil hindi ako sanay na may ibang lalaki akong nakakasama,lalo na ang mga salita niya na hindi ko alam kung pabiro lang okaya naman ay may ibang kahulugan saken.“Nababaliw na yata ako”natatawang sabi ko
“What?why?”tanong niya habang nagda-drive
“Masyado na yatang malayo ang narating ng isip ko”tatawa-tawa kong sabi habang ang tingin ko ay sa bintana
“Hey Camilla,” napatingin naman agada ko sakanya matapos niya kong tawagin
“Ha?Baket?”
“Nagsasalita ka mag-isa?”tanong niya napaisip naman ako sandali
“Ah yon.Wala yon wag mokong pansinin.May pagka-baliw ako minsan”natatawang sabi ko at tumingin ulit sa may bintana
Nakakahiya ka talaga Camilla.
“You’re funny” sabi niya kaya naman napatingin ulit ako sakanya pero nasa pagmamaneho na ang tingin niya
“Tss, mukha ba kong clown?” asik ko bahagya naman siyang natawa ulit. “Anong nakakatawa?”
“I told you you’re really funny”
“Tss, wala naman nakakatawa doon ha?”
“I don’t know, pero napapatawa mo nalang ako.” Napatingin naman ako sakanya habang siya’y tumatawa at sa hindi malaman dahilan ay bigla nalang lumakas ang kabog ng dibdib ko pero hindi ko na ito pinansin.
“Ihinto mo na diyan.Ayan na yung bahay namin” sabi ko sakanya nung makita ko na nakarating na kami sa bahay namin at agad na akong bumaba
“Hmm.”sabi niya habang tinitingnan ang bahay namin, napatingin naman ako sa bahay namin bago bumaling sakanya
“Dito kami nakatira.Atsaka thank you pala sa paghatid.” nakangiti kong sabi sakanya sa bintana ng kotse niya habang siya’y nasa loob at hindi na bumaba.“Magkikita pa tayo right?” bumaling naman ako sakanya
“Ah,oo pwede naman” nakangiti kong sabi at nakita ko rin naman siyang ngumiti
“I’ll see you tomorrow,then.”
“Sige,ingat ka.Salamat uli sa paghatid mo saken”
“You’re welcome,Camilla.”
“Sige na alis na,dami pang sinasabi e” sabi ko naman natawa naman siya ng bahagya bago inistart ang engine ng kotse niya
Hinintay ko muna siyang makaalis at ng makita kong nakalayo na siya ay saka na ako pumasok ng bahay.“Oh, nalate ka yata sap ag-uwi mo Ember?” tanong naman ni mama saken
“Opo ma.Nag-over time po kase kami sa trabaho naming ngayon.Marami po kaming kailangang tapusin”
“Natapos mo naman ba?” tanong ulit ni mama
“Opo.Bakit gising pa pala kayo ma?” tanong ko dahil oras na nga pero gising pa rin siya
“Hindi pako makatulog kaya hinintay na rin kita”
“Ganun po ba.Hindi pa po ba kayo matutulog niyan?” nakita ko naman na tumingin siya saken na parang nagtataka
“Bakit ba gusto mo yata na matulog ako ha, Ember?” nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong ni mama hindi malaman kung ano ang sasabihin
“Huh?nagtanong lang naman ako ma.Kase oras na oh” turo ko dun sa orasan na nakasabit sa may pader naming
“Nako…Ikaw nga dis oras na ng gabi umuwi at may kasama ka pa” nagulat ako sa sinabi ni mama at napaawang ang bibig ko hindi ko alam kung anong sasabihin
Nakita ba siya ni mama? Sabi ko sa utak ko.Nakita ko naman na nakatingin siya saken naghihintay ng sagot ko.Sigurado ngang nakita niya.Napabuntong-hininga pa muna ko,bago sumagot.
“Ma, nalate talaga ko kase tinapos ko pa yung mga trabaho ko.Sakto naman na-nalate din yon kaya naman ng makita niya ko sinabay na niya ko baka daw kase mapano pa ko kung uuwi akong mag-isa.Sa company din po namin siya nagta-trabaho.”paliwanag ko kay mama pero nakatingin pa rin eto saaken pinapakiramdaman siguro kung nagsasabi ako ng totoo
“Siguraduhin mo Camilla.” yun lamang ang sinabi niya bago siya dumiretso sa kwarto.Naiwan naman akong nakatayo dito sa sala.Napabuntong hininga nalang ulit ako dahil sa sobrang pagod tapos ganito pa ang bungad saken ni mama.
Nagtuloy tuloy ako papasok sa kwarto namin ni Christy.Nakita ko naman na tulog na siya kaya naman inilapag ko na sa mesa yung bag ko.Kumuha na rin ako ng damit pamalit sa uniform ko.
“Hayy,nakakaloka”asik ko habang nagpapalit ng damit sa banyo.
“Mababaliw na yata ako!” sabi ko ng matapos kong makapag-bihis. “Ano bang meron ngayon ha?”tanong ko sa salamin atsaka kinuha yung toothbrush at toothpaste para makapagsepilyo ako “Kapag tinamaan ka nga naman ng magaleng oh,Camilla”pagpapatuloy ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko tiningnan kung may text or calls ba.Nakita ko naman na tumawag pala sina mama kanina pero hindi ko nasagot dahil sa sobrang busy ko kanina.
Hayy sorry ma.Pero ma kung anuman ang iniisip mo ngayon nagkakamali ka ng akala o iniisip.Hindi ganun ‘yon. Sabi ko sa utak ko nakatingin naman sa kisame.
“Okay lang ako,chill Camila.Chill…”sabi ko
“Hmmm” rinig ko naman mula kay Christy na mukhang nalingat dahil sa ingay ko tumingin naman ito saakin tiningnan ko lang siya pagkatapos ay bumalik na siya sa pagkakatulog.
Tumingin naman ulit ako sa cellphone ko nakita ko naman na may chat sina Eunice,Precious,Alice pati na rin si Shantel pero ni isa sakanila ay hindi ko muna nireplyan dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.Parang walang ibang laman ang utak ko ngayon kundi ang nangyare ngayong gabi.Bukas kona lang sila kakausapin, at dahil sa pagod ay unti-unti kona rin ipinikit ang talukap ng aking mata at napagpasyahan na matulog…
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.