Chapter 33

3 2 0
                                    

" Kung wala lang kaming pasok ngayon ay tinulungan ka na namin mag ayos " parang malungkot na sabi ni Alice nakavideocall kasi kami ngayon nasabi ko kase sakanila ang lahat pati ang mangyayareng event mamayang gabi.

"Ano kaba! Ayus lang no naiintindhan ko. Tska nandiyan naman si Shantel pupunta siya dito mamaya tutulungan niya ko. Tska marunong naman akong mag ayos diba? Alam niyo naman iyon parang hindi ko kayo inaayusan ha. Don't worry kaya ko na'to. "nakangiting sabi ko sakanila natawa naman sila

"Buti nalang talaga. Balitaan mo kami sa mangyayare agad ha! Naeexcite ako kahit hindi kami kasama. Sayang nag aaral pa kami hindi kami makaka attend sa event niyo edi sana may chance kaming makita si Sir Calvin!" natatawang sabi ni Eunice


"Oo nga edi sana makikita ko rin si Sir Zack!" sabi naman ni Alice 


"Sayang talaga. Ang gawin niyo mag aral na muna kayo ng mabuti diyan. Atsaka gayahin niyo si Precious oh tahimik." sabi ko sakanila nakita ko kase si Precious na nakatingin lang at nakikinig samin


" Ano na naman Camilla! "asik niya kaagad kaya natawa ako pati na din sina Eunice at Alice

" Wag kanang magalit diyan wag kang mag alala, mahal ka ng nanay mo Precious " natatawang sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin "Nag away na naman kayo ng boyfriend mo no?" sabi ko sakanya nang aasar.


"Oo nagaway na naman sila. Hindi kase siya tinawagan agad ng boyfriend niya kahapon." sabat naman ni Eunice


"Ayan pa comeback comeback pa kasi" natatawang sabi ko naalala ko kase na umiyak pa siya noon dahil nakipagbreak na daw siya sa boyfriend niya dahil doon sa ex non na naghahabol at gustong bumalik sa boyfriend ni Precious atsaka nahuli din ni Precious yung babae na hinalikan bigla yung boyfriend niya.
Pero sadyang mahal nga ni Precious yung boyfriend niya dahil matapos ng break up nila ay nagbalikan din sila.



"Don't mind me. Bastat ikaw Camilla support ako sa'yo. Gandahan mo galingan mo na din." hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. "Tska good luck sa'yo ha!" sabi naman ni Precious natawa tuloy ako.

"Oo nga! Irampa mo doon yung ganda mo wag ka rin uuwi hanggat wala kang nahahanap na lalake ha!" natatawang sabi ni Eunice natawa nalang ako sakanya kahit kailan talaga ganto na si Eunice

"Iuwi muna si Sir Scott!" nagugulat naman akong tumingin kina Alice at Precious dahil parehas at sabay pa sila ng sinabi! Nagkatinginan naman silang tatlo


"Tigilan niyoko diyan wala pa naman mas excited pa kayo saken. Kung ano ano ng sinasabi niyo diyan! Oras na magstart na class niyo niyan diba? Pasok na!" sabi ko sakanila baka mapahaba pa ang usapan namin dito at malate pa sila.


"Hayynako Camilla" sabi naman ni Precious.


"Sige na chat nalang tayo mamaya. Good luck!" sabi naman ni Alice


"Send ka ng picture ha! Tska diba sa hotel na yung venue niyo? Sosyal diba!" sabi naman ni Eunice

Sa hotel nga mangyayare ang celebration ng 20th anniversary ng Scott Company malapit lang ang hotel sa company at halos ilang lakad lang ay nandoon kana. Mas maganda kasing sa hotel daw ang celebration. Ganoon rin daw noon sabi ng mga ibang employees sa company namin, ang iba sakanila ay ilang beses na daw naka attend sa ganyan at ang iba ay hindi pa lalo na kaming mga bago na ngayon palang makakaattend sa ganyang event. Kinakabahan man pero kaya naman dahil kasama ko rin naman si Shantel.

"Oo na sige na. Thank you sainyo bye." sabi ko at kumaway naman sila bago ko pinatay.




Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon dahil pumasok si Christy pati rin ang iba ko pang kapatid. Tanging si Mama lang ang nandito sa bahay dahil pumasok rin sa trabaho si Papa. Anong oras na din  dahil tinanghali ako ng gising ganun na nga siguro ako kapagod at masyadong marami ang iniisip kaya naman nalate ako sa paggising.





You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now