Magkaharap na nakaupo kami ngayon ni Lorenz dito sa kama nilubos namin ang araw na'to na magkasama kami sa pagkukwentuhan tungkol sa paano at reaction namin sa unang pagkikita namin noon at kung paano at kailan niya narealize na nagkakagusto na siya saken kahit ako sakanya. Sinabi ko din sakanya ang dahilan kung bakit ko siya iniwasan. Pati ang past relationship namin ay napag usapan din namin. Pati na din ang sa pamilya only child lang siya at habang ako ay lima kaming magkakapatid. Mabait naman daw ang parents niya at ganoon din naman ang saaken. Marami pa kaming napagkwentuhan sinusubukan namin alamin ang lahat, kinikilala pa lalo ang isat isa. Tuloy ay hindi namin namalayan na madaling araw na hindi kami nakatulog. Feeling ko ganoon nalang katagal ang oras dahil sa dami ng nangyare. Pero masaya ako ngayon at ganoon din siya.
"Are you not sleepy?" tanong niya pa saken tiningnan ang kanyang relo.
"Medyo inaantok na din ako." sabi ko sakanya dahil totoong wala pa kaming tulog.
"Anong oras ka uuwi?" tanong niya.
"Mamaya na siguro matutulog muna ko kahit ilang oras lang. Hindi ako pwedeng umuwi samen ng ganitong walang tulog dahil sinabi ko kay Mama na sa hotel na'ko matutulog." sabi ko sakanya.
"Okay let's sleep then. Gigisingin nalang kita mamaya." sabi niya at tumayo na sa kama para ayusin 'to. Tumayo din ako habang hawak hawak ang isang unan tiningnan ko lang siyang ayusin iyon. "Matulog na muna tayo. May iba pa naman tayong araw na pwedeng magkwentuhan." sabi niya habang nakatingin saken.
Magkakatitigan na kami ng ganito kalapit palagi.
" Hindi man lang tayo nakapagpalit ng damit." sabi ko habang tinitingnan ang kabuuan ko. Hanggang ngayon kase ay nakagown pa rin ako habang siya nakaformal attire pa rin pero yung coat niya ay nakapatong na sa may round sofa.
"Gusto mo bang magpalit?" tanong niya nagtataka naman akong tumingin sakanya dahil wala naman akong damit dito.
"Huh? Pero wala naman akong damit dito?" sabi ko nilingon siya habang lumingon din dito sa buong room.
"I can call someone to bring a girl clothes here." parang nag iisip naman siya kung sino ang pwede niyang utusan na dalhan siya ng pambabaeng damit dito.
Natawa ako. " No. It's already late mang uutos ka pa. Pwede naman akong matulog ng ganito, kauwi nalang ako magbibihis." sabi ko sakanya.
"Are you sure?" tumango lang ako.
" Nahaggard na mukha ko. Buti nalang hindi masyadong nasira yung make up ko maganda yung mga make up ni Shantel. " sabi ko habang nakatingin sa salamin.
" You're still beautiful with or without make up. " napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. "Let's sleep." naglagay siya ng unan sa gitna namin napangiti nalang ako dahil sa ginawa niya.
Kaya may tiwala ako sa'yo. At ngayon, nakikita kong hindi ako nagkamali na nagustuhan kita.
Nagising nalang ako na wala na sa kama si Lorenz. Iminulat ko ang mga mata ko atsaka tumingin sa paligid ko at doon nakita ko si Lorenz na nakatayo sa harap ng bintana ng hotel room kung saan kami ngayon. May kausap siya sa cellphone niya.
"Yeah. Sorry kung hindi ko na kayo nabalikan kahapon." sabi niya sa kausap niya sa phone. "Yeah, she's with me." dagdag niya pa ako yata ang tinutukoy niya kaya umupo ako sa kama at naramdaman naman niya yata ang pagbangon ko. Kaya lumingon siya saken bago tumaliko ulit. "Shut up! She's awake now. Mag usap nalang tayo mamaya, bye." sabi niya sa kausap niya at ibinababa na ang cellphone niya.
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.