Chapter 25

4 2 0
                                    

   Camilla's Pov

"Ramirez." ng marinig ko ang apilyido ko ay awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan ko dahil si President slush leader ang tumawag saken.


"Yes po President?" tanong ko napa angat naman ang ulo niya at napataas ang kilay saka napabaling sa kinauupuan ni Sir Clark sinundan ko naman ang tinitingnan niya at nagpalitan ako ng tingin sakanila.



Ang weird nilang dalawa, napapansin ko lang na medyo may nag iba. May nagbago I'm sure.




" Do you need something from me Althea? " Tanong ni Sir Clark hindi man siya tinawag ni President Althea pero mukhang naramdaman niya yata na nakatingin ito sakanya




"What?" mataray na sabi ni President Althea at doon palang siya napatingin kay President napabaling din naman siya saken.





" I'm asking you if you need me?" nakangising sabi ni Sir Clark na nakapagpataas ng kilay ni President Althea.





Lagi nalang ganito hindi ko alam kung anong meron sakanila at ganito sila mag usap. Sa ilang buwan na nailagi ko na dito ay hindi mawawala ang ganitong bangayan nila hindi ko alam kung ano bang matatawag sa ginagawa nila.





" At bakit naman kita kailangan?" mataray na sabi naman ni President Althea.





"Because you can't live without me" nagulat naman kami sa sinabi niya napatingin din ako sa ibang mga kasama namin na napatingin din nakita ko rin na mapatingin si President Althea sa lahat kaya nagbaba agad ng tingin ang mga kasama ko habang eto si Sir Clark diretso pa rin ang tingin kay President




Sigurado ako may something sa dalawang to!




" Seriously Clark Martinez?" nakataas parin ang kilay ni President sa puntong eto alam kong naiinis na talaga siya



" Of course Althea Herrera" nakangiti sabi ni Sir Clark




"Wag kang masyadong feeling Martinez never kitang kakailanganin kaya ko ang sarili ko." nagulat naman ako sa sinabi ni President Althea parang iba siya kung magsalita ngayon medyo hindi na siya sumisigaw kapag naiinis.





Natawa lang si Sir Clark kaya agad naman ibinagsak ni President Althea ang mga kamay niya sa table niya na ikinagulat ng lahat tumayo siya at binalingan si Sir Clark " Can you shut up? Naiinis ako sa pamumukha mo alam mo bayon?"





"What the- I'm just trying to-" nagsasalita pa si Sir Clark ng putulin ni President Althea yon.





" I don't care, okay! " at nagkamali ako ng isipin na hindi na siya sumisigaw dahil sa sandaling ito ay mukhang hindi niya na napigilan ang sarili niyang hindi sumigaw. Bumaling siya saken na ikinagulat ko din baka madamay ako. " You, come with me."





" Po? Saan po? " nagugulat na tanong ko agad sakanya bumaling naman siya saken na naka kunot na ang noo kaya nanahimik na lamang ako at sumunod sakanya.





Napabuntong hininga na lamang ako dahil eto ako ngayon kinakabahan kay President Althea baka magalit din siya saken at ayokong mangyare. Sumunod ako sakanya habang naglalakad ngayon sa hallway ng Company panay naman ang pagbati ng ilan sa mga makasalubong namin ni President Althea sakanya pero etong si President Althea ay dirediretso lamang na naglalakad at hindi man lang bumabati pabalik sakanila.






"From now on, sasama ka saken sa tuwing may meeting ako dito." nagulat naman ako sa sinabi ni President Althea at hindi maintindihan kung ano ang sinasabi niya.




You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now