" Anong nangyare? " wala sa sariling sabi ko. Habang naglalakad papunta sa bahay namin. Gusto kong tumakbo pero nanghihina ang buong katawan ko. Napalingon ako sa likod ko at ganoon nalang kabilis ang pagtalikod ko dahil hindi pa rin siya umaalis. Binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa marating ko na ang bahay namin. Huminga muna ko ng malalim at pinunasan ang aking mukha kaagad ay inayos ko ang aking sarili dahil baka makita nila ang aking hitsura at hindi nila pwede iyon malaman.
Napapikit muna ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko kinaya ang mga nangyari. Masyado akong kinakabahan dahil doon. Pero kailangan ko munang makapasok ng bahay. Kumatok pa muna ko pero wala pa ring lumalabas kaya naman kumatok ako ulit. " Mama, pakibukas ng pinto " sinubukan kong magsalita at mabuti nalang ay nakaya ko. "Pa, pakibukas ng pinto." sabi ko ulit pero hindi yata nila ko naririnig. " Tulog na yata sila." napabuntong hininga nalang ako dahil late na naman akong umuwi kaya nakatulog na siguro sila. Kaagad ay naisipan ko nalang kunin ang susi sa bag ko pero bago ko pa man mailagay iyon sa doorknob ng pintuan ay bumukas na iyon bigla ay nagulat ako.
"Oh, Ember ngayon ka lang. " sabi ni Mama na tumagilid sa pinto para makapasok ako.
" Kaya nga e. Nakakapagod. " sabi ko habang inaalis ang sapatos ko. Tumingin saken si mama kaya tiningnan ko din siya.
" Bakit ganyan ang hitsura mo? " tanong ni mama na ikinabigla ko pero hindi ko pinahalata at doon ko lang inalis ang salamin ko.
"Huh? Napano yung hitsura ko ma?" tanong ko lumapit naman ako sa salamin na nakalagay dito sa sala namin at doon ko lang napansin na namumula ang mukha ko at mukha akong ewan sa hitsura ko.
" Anong nangyare sa'yo? " tanong ni mama hindi ko tuloy malaman kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na ang posibleng dahilan nito ay ang pakikipaghalikan ko sa isang lalake
" Hindi ko alam. Dahil siguro sa init at pagod ko sa paglalakad pauwi galing sa company namin " napabuntong hininga sabi ko tiningnan ako ulit ni mama na parang inaalam kung posible nga ang sinabi ko.
" Nag overtime na naman kayo? " sa wakas ay iyon na lang ang tinanong niya.
" Oo ma. Marami kase kaming kailangan gawin. Sunod sunod din kase ang projects na gustong gawin ng Scott Company with their business partners. " sabi ko kay mama mukhang kombinsido naman siya sa sinabi ko atsaka totoo naman iyon dahil marami talaga kaming ginagawa ngayon. Mabuti nalang ay nakakaya ko na. Marami akong natutunan at mas gusto ko pang matuto hanggang sa maachieve ko ang goal ko na mapromote sa trabaho at magkaroon ng successful na buhay pero sa tuwing iisipin ko yan ay naiisip ko na paano ko maachieve iyon kung kailangan ko rin matapos ang College.
"Kumain ka na ba?" tumango lang ako. " Kung ganon ay magbihis ka na at kung wala ka ng gagawin ay magpahinga ka na. Wag mong pababayaan ang sarili mo baka magkasakit ka."
"Oo ma." yun nalang ang nasabi ko dahil pagod na nga ako ay kung ano anong emosyon pa ang mga naramdaman ko ngayon.
Mukhang may gusto pa siyang sabihin saken pero hindi na niya tinuloy umiling iling kase siya "Sige na. Matutulog nako." sabi ni mama na lumingon pa sakin at tumango lang ako. Ano naman kaya iyon? Ng makapasok siya sa kwarto ay kaagad na akong dumiretso sa kwarto namin ni Christy at doon ay naabutan ko siyang natutulog na kaya umupo nalang ako sa harap ng salamin at doon pinakatitigan ang sarili ko.
Pero hindi ko magawang kausapin ang sarili ko dito dahil baka magising si Christy kaya kumuha na muna ako ng pamalit na damit at dumiretso sa banyo.
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomansCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.