Chapter 35

7 2 0
                                    

"Camilla!" tawag saken ni Lorenz pero hindi ko siya pinapansin dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sakanya.

Ang bilis makalabas ni Shantel kaya eto ako ngayon hinahanap kung saan ba kami nanggaling kanina. Ang dami kaseng hotel rooms dito at hindi ko natandaan kung saan kami lumiko kanina.

"Bakit ba naman kasi hindi ko tinandaan yung daan dito e. Ang dami pa naman paliko liko ng hotel na'to!" sabi ko sa sarili ko habang binibilisan ang paglakad at tingin kung saan ba dapat ako dumaan. Wala pa naman yung mga hotel staff members dito.

Nang maramdaman kong nag riring ang phone ko ay huminto ako sandali sa paglalakad at kinuha iyon. "Tumatawag si Shantel." sabi ko at sinagot ang tawag niya. "Oh, Shantel nasaan ka? Ang bilis mo naman hindi moko hinintay iniwan mo kaagad ako doon." sabi ko sakanya.

"Sorry Camilla. Nagmamadali kase ako kanina pa pala naghihintay sa baba yung boyfriend ko." sabi niya napabuntong hininga nalang ako wala naman akong magagawa dahil umabot din kami ng ilan oras kanina sa panonood sa program at sa pakikipag usap habang kumakain kina Calvin at Zack tuloy ay hindi rin kaagad namin namalayan ni Shantel.

"Nasaan ka? Nakaalis na ba kayo?" sabi ko sakanya umaasa na sana hindi pa pero kung hindi lang talaga ako pinigilan kanina ni Lorenz baka nasundan ko pa si Shantel sa paglabas dito at mas lalo ko tuloy siyang hindi nasundan dahil hindi ko alam kung saan siya dumaan.

"Kakaalis lang nakasakay nako ngayon sa kotse niya. Ikaw nasaan ka? Nakaalis ka na ba diyan?" sabi niya napapikit nalang ako.

" Hindi pa nakalimutan ko kung saan yung daan paliko palabas dito. Ang laki laki naman kase netong hotel nato at ang daming pasikot sikot hindi bale magtatanong o hahanapin ko nalang. Ingat kayo usap nalang tayo ulit." sabi ko sakanya.

"Sige. Ingat ka sa pag uwi sorry talaga kung iniwan kita kaagad sakanila tska nandiyan naman si Sir Scott e." napapikit nalang ako sa inis sakanya dahil nakuha pa niyang mangasar hindi ko na nga alam kung paano iiwas sa lalaking iyon "Sige na bye na. Balitaan mo nalang ako ha." sabi niya hindi nalang ako sumagot dahil pinatay na rin niya.


"Nakakainis naman e! Paano nalang ako uuwi ng ganito?" sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang kabuuan ko. "Naka gown pa naman ako." parang tangang sabi ko sa sarili ko. Sigurado kung uuwi ako ng naglalakad ay baka ano pang nangyare saken lalo na sa ganda kong to ngayon. Atsaka kung sasakay naman ako sa jeep ay baka pagtinginan ako dahil sa suot ko. Napapikit nalang ako sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon


"Camilla!" sigaw naman ni Lorenz! Nasundan pako mukhang hingal na hingal pa siya dahil sa paghabol niya saken. Pero tumuloy ako sa paglakad pero tumakbo siya at hinila ang kamay ko ganun nalang ang gulat ko ng magkalapit kami at mapahawak ako sa suot niya. "Kanina pa kita tinatawag kanina pa din kita hinahabol pero hindi moko pinapansin." sabi niya pero hindi ako sumagot dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Sakanya lang ako nagkakaganito! Nakakainis

Bumitaw kaagad ako sakanya at tinalikuran siya pero sa ikalawang pagkakataon ay hinila na naman niya ko "Ano ba!" asik ko sakanya pero tiningnan niya lang ako ng diretso pero nagbaba ako ng tingin at bibitawan sana siya ulit pero hinawakan niya din ako sa bewang at mas inilapit pa sakanya! Tuloy ay hindi ko alam kung paano siya titingnan dahil titig na titig siya saken.


"Iniiwasan mo ba'ko?" nagulat ako sa tanong niya dahil alam ko sa sarili ko na tama ang sinabi niya pero hindi ko masabi ng diretso sakanya.

Bakit niya ba kase ako ginaganito? Bakit siya nagkakaganyan?

You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now