Chapter 26

2 2 0
                                    

" What's wrong with you Ramirez? " nasa may labas kami ng office namin ngayon at eto si President Althea ngayon handang handa na masermonan ako at sobra sobra na talaga ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.




" Sorry po Ma'am. " nakayuko na sabi ko




" Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Wala ka ba sa tamang pag iisip Ramirez kaya nagkakaganyan ka ngayon?" asik niya na nakapagpababa lalo ng ulo ko.





Sa puntong ito ay naiinis ako. Alam kong ako naman ang may mali pero ayoko talaga ng nasasabihan ako. Pero dahil nga ako naman ang may mali ay mas kailangan kong umintindi. Chill ka lang, Camilla.




" What's happening to you? " dagdag niya pa.




" I'm sorry po hindi na mauulit " sa kabila ng mga sinabi niya kanina ay panandalian naalis ang magandang pakiramdam na naidulot saken dahil sa ngayon ay para akong maiiyak pero pinipigilan kolang ayokong may makakita saken.




" Dapat lang Ramirez! Dahil kung uulitin mopa ay hindi ka na makakasama pa kung sasayangin mo ang pagkakataon na binibigay ko sa'yo." dagdag pa niya.




Bigla naman bumukas ang pinto ng office namin at lumabas si Sir Clark tumingin siya at kay President Althea napapikit naman siya sa inis lalo bago tumalikod at padabog na pumasok sa loob.





" Nasermunan ka? " tanong ni Sir Clark tumango lang ako. " Hayaan mo na lang at huwag mo nalang siyang pansinin alam monaman na ganyan lang talaga yan" sabi ni Sir Clark na nakahawak sa balikat ko



Papasok na sana ako ng malingunan ko si Lorenz. Ayan na naman siya napapikit ako sa isipin.




" Go, take a break for awhile." dagdag pa ni Sir Clark tumango nalang ako at pumasok na siya.




Nang makaalis si Sir Clark ay nakita kong nandoon pa rin si Sir Scott nakatingin at parang naka kunot pa ang noo. Ano na naman ang nangyayare sakanya? Hays, nagiwas na kaagad ako ng tingin at tumalikod na para maglakad.




Doon ko na hindi napigilan maiyak. tumakbo ako sa iisang malapit na room ang storage room kung saan wala naman mga tao masyado pumasok ako doon at tuluyan nagtago sa isang sulok. Napaupo nalang ako at doon umiyak.



Hindi ko alam kung bakit minsan ang hina ko. Minsan kapag masyado akong nagdamdam ay nanghihina ako. Minsan mapapaiyak nalang talaga kapag hindi mo na kaya.



Hindi ako ganito palagi dahil mas gusto kong maging malakas para hindi ako manghina. Ayoko din ng may mag alala pa saken dahil kaya ko naman. Dumarating lang talaga sa point na magkakaganito nalang ako bigla. Walang pinipiling oras ang pag iyak dahil kusa talaga 'tong pumapatak kapag hindi muna maipaliwanag ang nararamdaman mo.




Nang marinig kong may pumasok sa pinto ay kaagad kong tinago ang mukha ko. Pero ng may humakbang at huminto sa harapan ko ay napapikit ako lalo dahil sa lungkot at hiya





" Why a beautiful woman like you is crying alone here? " ang boses na namang iyon, Siya kasama din siya sa dahilan kung bakit ako nagkaganyan kanina!




Nag angat ako ng tingin sakanya at ganoon nalang ang pagkakatitig niya sakin na nagiwas din agad ng tingin. May kinuha siyang panyo at inabot saken yon tiningnan ko lang siya kaya nagbaba siya ng tingin saken at hinawakan ang kamay ko!




"Here, use it." sabi niya natataranta ko naman agad binitawan ang kamay niya na medyo kinagulat niya kaya tumayo siya ng maayos ulit.




"Thankyou" sabi ko ng matapos kong gamitin iyon.




"Hm." tumango lang siya.




" Babalik konalang ito kapag nalabhan kona " sabi ko sakanya tumingin pa muna siya saken medyo naiilang ako sakanya




" Why are you crying? Did President Herrera scold you? " tanong niya napangat naman agad ang ulo ko




Nakita ba niya na pinapagalitan ako kanina? Narinig niya ba yung mga sinabi saken ni President Althea? Nakakahiya. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko sakanya.




" Nakita mo? " hindi siya agad sumagot





"Yes." sabi niya sabay tango napabuntong hininga nalang ako.




" Narinig mo lahat? " tanong kopa sakanya pinakatitigan na naman niya ko.





"Hm." sabiniya napala ikli talaga niya sumagot! Napabuntong hininga nalang ako.





" Nagkamali ako kaya nagkaganoon." tumingin pa siyang muli saken bago ituon sa iba ang paningin niya. " Kanina pa din kase naiinis si President Althea kaya ganyan siya kanina. Naiintindihan ko naman po siya" napatingin siya bigla saken inosente naman akong tumingin sakanya. " Okay lang po ako. " sabi ko mukha kase siyang nag aalala saken.




Wow, Camilla. Siya? Mag aalala sa'yo? Gumising ka nga!





Umiling-iling siyang tumingin saken. " I said cut that 'opo' or 'po' saken." nagugulat naman akong tumingin sakanya pinoproseso sa utak ko ang sinabi niya at noong maalala ko na sinabihan niya pala ako kailan lang na wag mag po o opo sakanya.





"Ah, sorry po." naiinis siyang tumingin saken kaya natawa ako sa hitsura niya. " Sorry, nasanay kase ako ng ganyan" napamaang siya tila hindi niya alam kung anong sasabihin.





" Tsk. " narinig ko iyon at sigurado akong nainis nga siya bagay lang sakanya yan ng makabawe naman ako. Ng dahil sakanya ay nawawala ako sa katinuan at naloloka ang buo kong sistema pag nandiyan na siya sa aking harapan. Natawa na naman ako ng makita ko siyang nakatingin sakin parang gusto niya kong murahin sa mga sandaling ito pero mukhang hindi ganon.






" Now, your laughing. " sabi niya pero eto ako natatawa parin  " Your beautiful when laughing... Your beautiful when smiling, Camilla" na nakapagpahinto saken.






"Huh?" wala sa sariling sabi ko. Napangiti naman siya habang nakatingin saken ng diretso tuloy ay naiilang ako! Nagsimula na naman magkanda loka loka ang aking sistema. Bakit niya ba nagagawa saken to!




" It makes me want to keep that smile. It makes me want you to be happy. " ganoon nalang niya kadiretso na sinabi saken iyon. Walang alinlangan niya akong pinakatingnan hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko.





" Huh? A-anong sabi mo? " naguguluhan sabi ko hindi ko siya matingnan ng diretso.




"Nothing. Don't mind kung ano mang sinabi ko" sabi niya nalilito ko naman siyang tiningnan inilahad naman niya ang isang kamay saakin habang ang isa ay nasa bulsa niya tiningnan ko naman iyong kamay niya. " Hold my hand " nag alinlangan naman akong abutin yon.





Nang makatayo ako, bigla ko na agad binitawan ang kamay niya. Hindi ko na maintindihan kung anong gagawin ko at natatakot ako sa nararamdaman kong ito at sa tingin ko ay mas may ilala pa nga. Natatakot ako na mangyari ang mahalin ko siya habang siya ay hindi niya naman masuklian ang pagmamahal ko para sakanya.






" I think your alright now." sabi niya kaya tumango nalang ako. Tiningnan niya pa muna ako  mukhang naninigurado ng makuntento ay saka na siya tumalikod. " Lumabas na tayo dito" sabi niya tumango ulit ako nakita ko naman siyang mapabuntong hininga. " When you need someone to lean on always remember that I'm just here. I'm willing to help you, Camilla." iyon lang at lumabas na siya ng tuluyan.





Iba iba ang mga naramdaman ko ngayon. Pero mas marami ang naramdaman ko para sakanya. Ngayon palang inaamin kona sa sarili ko na nahulog na ang loob ko sakanya.






You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now