Camilla’s Pov“Ember gising,” sabi ni mama saken pero nakapikit parin ang mga mata ko. “Hoy Ember!” tapik saken ni mama.
“Tumayo kana diyan!Nandiyan sa baba yung mga kaibigan mo” narinig ko siya bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni mama Bakit naman sila nandito?ang aga aga ha.
“Ate Ember nandiyan yung mga kaibigan mo” pumasok si Christy sa kwarto na nakasuot na ng uniporme “Naghihintay sila doon sa labas” dugtong pa niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang bumangon.
“Hmm…Bakit daw?” tanong ko kay Christy ng makalabas na si mama.
“Ewan gusto ka siguro nilang makita”
Inayos ko na ang higaan ko bago ako lumabas.Nakita ko naman agad sina Eunice,Precious at Alice.
“Ah!” daing ko ng bigla nalang akong yakapin ni Precious at sunod naman sina Eunice at Alice “W-wait hindi nako makahinga” kaya naman kumalas sila sa pagkakayakap saken.
“Namiss ka namin Camilla!” mahihimigan sa tono ng pagkakasabi ni Eunice ang pagkasabik.
“Ako din!Bakit hindi mo kami nirereplyan ha?!”asik ni Precious
“Kahit ako!Napaka busy mo naman yata” sabi naman ni Alice
Napabuntong hininga pa muna ko bago sila sagutin. “Sorry guys, masyado lang nga naging busy.Pagod din kase pagkagaling sa trabaho sana maintindihan niyo” tumingin ako isa isa sakanila at sabay sabay din silang napabuntong hininga kaya naman wala akong nagawa kundi yakapin silang lahat “Babawi ako sainyo,okay?”
“Hmpp!” Singhal nilang tatlo kaya inalis ko ang pagkakayakap sakanila
“Sorry na?Hm?Hm?” parang batang pagmamaka-awa ko sakanila with matching pa-beautiful eyes pa, bakasaling umepekto.
“HAHAHA” di napigilan ni Alice ang matawa ng matawa
“Tsk,ang panget mo Camilla hindi mo kinaganda yan!” masungit na sabi ni Eunice tinawan kolang siya
“Hayynako Camilla matitiis kaba namen?Hindi ka na nga namin nakakasama madalas aawayin kapa ba namen?” sabi naman ni Precious
“Aww, nakakatouch naman kayo.Kaya mahal na mahal ko kayo e.Kayo lang sapat na” tatawa tawa kong sabi
“Asus, sapat na sapat na.Kala ko nga nakalimutan muna kami kase may bago ka ng nakakasama sa trabaho mo.Shantel her name, right?” tila nagseselos yata tong kaibigan kong si Eunice
“Pwede ko ba kayong makalimutan?The three of you is my very first bestfriends kaya”
Nakita ko naman na natouch yun dalawa sa sinabi ko habang etong si Eunice ay umirap lang tska tumingin sa kung san kaya naman niyakap ko ulit siya “Kahit na may bago akong nakakasama o kaibigan hindi ko naman kayo kakalimutan Eunice” sabi ko at nakayakap parin sakanya naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako pabalik kaya naman ngumiti akong tumingin sakanila isa isa
Dahil sa maaga nga akong pinuntahan nina Eunice,Precious, at Alice ay sinabi nilang gusto nila kong ihatid sa Scott Company para naman daw makasama pa nila ko ng matagal dahil ngayon lang kami ulit nagkita.Simula kase ng maging busy ako sa trabaho ay madalang nalang kami magkita.Pumayag na rin ako dahil gusto ko rin naman bumawi sakanila.
“Dito nalang kami sa labas Camilla you know naman baka masabihan kapa ng ibang workers diyan na kung sino sino nalang sinasama mong pumasok sa Company niyo” nagulat naman ako sa sinabi ni Eunice
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.