Hindi pa din ako makapaniwala na nasa harap ko 'tong lalaki na'to hindi din ako makapaniwala na nakakasama ko siya hindi din ako makapaniwala na nahahawakan at nahalikan ko na siya. Siya kase yung tipo ng lalaki na maraming babae ang maghahangad sakanya pero eto ako maswerte sa lahat ng babae lalo na kasama ko siya sa oras na'to. Hindi rin ako makapaniwala sa mga sinasabi niya saken dahil ako man ay nagulat ay hindi ko makuhang hindi ngumiti dahil sa masayang pakiramdam.
"I like you Camilla." bulong niya saken nagulat naman ako dahil sa sinabi niya hindi ko alam kung paniwawalaan ko ba o ano. Tiningnan ko siya ng diretso na nasa ibabaw ko pa rin siya ngayon
"Anong sabi mo?" mahinang sabi ko sakanya at doon lang siya tumitig ng diretso saken sa mga mata ko mismo
Totoo ba 'tong nakikita ko sayo Lorenz? Kung Oo, masaya ako kung ganon din ang nararamdaman mo dahil iyon din ang nararamdaman ko para sayo. Kung parehas tayo ng nararamdaman ay susugal ulit ako para sa pagmamahal kahit na natatakot ako na matalo ulit pero susugal pa rin ako kung alam kong may chance na pwede akong manalo.
"I said I like you" pag uulit niya tuloy ay hindi ko napigilan tumulo ng ilang butil ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito palang ay masaya nako. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. "And I think I'm really falling in love with you." mas nagulat ako sa sinabi niya hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Umaamin siya saken ng nararamdaman niya, ang isang tulad niya na napakataas at imposible kong maabot ay parang posible pala ngayon.
Kung panaginip lang 'to ay ayoko na sanang magising pa.
" Lorenz? " iyon lang ang lumabas sa bibig ko yung mga luha ko na pumatak sa mga mata ko ay pinupunasan na niya sa kamay niya ngayon habang tinitingnan ako.
" Simula ng makita kita nakuha muna agad ang atensyon ko. Simula ng malaman kong nagtatrabaho ka sa Company at nakikita kita doon ay unti unti akong nagiging interesado sayo. Hanggang sa hindi ko namamalayan na halos nakuha mona ang atensyon ko, sa tuwing nakikita kita sa tingin ko nakikilala ko na pagkatao mo. Sa tingin ko iba ka sa mga babaeng nakilala ko ikaw lang ang napansin ko. Not until makausap na nga kita I feel so happy there. Hindi kana nawala sa isip ko. I know it's hard to believe sa mga sinasabi ko right now, but I'm telling the truth. I like you and I'm falling inlove with you hindi ko na siguro kailangan ipaliwanag sa'yo kung bakit at paanong nangyare because I just felt it. Being inlove doesn't need a specific reason, Camilla." pinakinggan ko lang siya at iyan na nga yata ang pinakahabang mga salita na narinig ko sakanya mas mahaba pa sa sinabi niya sa event. Pero ang mga sinabi niya ngayon ay malalim at ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya habang sinasabi ang lahat ng iyan saken.
"Lorenz?" hindi ko pa rin malaman kung paano ang sasabihin sa lahat ng mga sinabi niya. Nakatitig lang ako sakanya at ganoon din siya saken.
"I'm not rushing you. I'm not forcing you to answer everything now but" naputol ang sasabihin niya at tumingin sa kung san bago bumaling saken. "But please don't avoid me." nagulat naman ako sakanya ng makita ko siya na parang nasasaktan tuloy ay hindi ko malaman kung tungkol ba ang nakikita kong sakit sakanya sa pag iwas ko.
"Lorenz?" ayun na naman ang pagsabi ko sa pangalan niya para din akong nasasaktan hindi ko alam kung bakit ganito nalang kaagad kadami ang mga nararamdaman ko pagdating sakanya, kakaiba.
"Don't avoid me as if you didn't saw me," sabi niya pa ulit para akong sinasaksak sa mga sinasabi niya saken dahil ramdam kong nasaktan siya. " As if I'm not existing sa harap mo Camilla. "
Inalala ko yung mga araw na iniwasan ko nga talaga siya pero nakikita ko naman talaga siya.
"No, hindi ganon iyon, Lorenz." mahinang sabi ko sakanya tumingin naman siya saken "Hindi ganon iyon." pahina ng pahinang sabi ko sakanya.
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.