PROLOGUE

63 30 2
                                    

"Ember" paggising naman saakin ni mama dahil umaga na at kailangan ko ng maghanda para sa pagpasok ngunit sadyang inaantok pa talaga ako kaya hindi ako makabangon bangon agad kahit panay ang pagyugyog saakin ni mama upang magising

"Ih ma naman, mamaya na"sagot ko naman kay mama dahil inaantok pa talaga ko

"Anong mamaya na wala kabang balak pumasok ha?"tanong naman sakin ni mama na nasa tabi na ng kinahihigaan ko ngayon

"Ma,sandali lang,"sambit konaman habang nakapikit parin ang mga mata ko

"Alam mo yung sandali sandali mong yan hanggang mamaya malate kana diyan!"tumayo na si mama habang nakapamewang na dahil sa sobrang inis siguro niya saakin dahil ayaw ko parin bumangon

"Ih ano banaman yan, etona ma."napabangon narin ako dahil alam kong naiinis narin saakin si mama dahil kanina pa niya ko ginigising

"ayusin mo na yang pinaghigaan mo pagkatapos tumayo ka na diyan"sabi naman ni mama at nagtungo na sa kusina upang maghanda ng makakain namen 

after thirty minutes ko sa pagligo ay nagbihis na din ako at ng ayus na ang hitsura ko ay lumabas narin ako ng kwarto namin at nagtungo na sa kusina kung nasaan si mama.

"Diba gusto mo maaga kang pumapasok at ayaw mong nale-late kasa school mo Ember"sabi naman ni papa saakin habang kumakain nadin,magkakasabay kami kumain lagi kaya asahan hindi na  bago to

"Napuyat kasi yan kahapon dahil ginagawa niya yung mga assignment at projects niya"biglang singit naman ng pangalawa kong kapatid na babae na si Christy

"Ngayon na kase ipapasa yung mga to kaya tinapos kona kahapon"sagot ko naman habang ngumunguya ng tinapay na sinasawsaw-sawsaw kopa sa kape,Oo nagkakape nako sa edad kong to dahil narin sa pamilya kona palainom din ng kape atsaka hindi lang naman kape dahil pati rin ang softdrinks

"Malapit na matapos ang schoolyear niyo niyan gagraduate kana ng Elementary"sabi naman ni papa,Oo pagraduate palang ako ng Elementary pero I'm already thirteen years old na

"Ako nalang ang aakyat sa stage niyo kapag sasabitan ka ng medal"baling naman saakin ni mama habang sinasabi yon,Oo tama sasabitan ako ng medalya dahil kabilang ako sa mga Honor Student 

"Osige ma,malapit narin naman kaya magreready nadin niyan kami sa Lunes  dahil huling klase na namin ngayon kaya pasahan na nga ng mga schoolworks namin e"sabi ko naman at tumayo narin dahil tapos nako sa kinakain ko 

"Oh aalis kana?"tanong naman saakin ni papa dahil nakita niyang tapos nako

"Oo pa,maglalakad pako papunta sa school e"pahabol kopa 

"Osige sabay na kayo ni Christy pati sa pag uwi nyo ha"sabi naman ni mama saamin habang palabas na kame ng pinto 

"Alis na kame babye"sabi naman ni Christy sa mga magulang at kapatid namen na nasa loob parin

*****

"Yiee,excited nako sa graduation natin Camilla"sabi naman ni Alice siya ay walang iba kundi ang aking kaklase at cute na mabait pa na kaibigan

"Ako din naman lalo na mag first year higschool natayo"sabi naman ni Precious siya naman ay kaklase namin dati pero nagkaroon ng lipatan ng section kaya nahiwalay siya samin pero still nagkikita parin kami dahil magkabila lang naman ang mga section namin

"Ang bilis ng panahon no kailan lang ang liliit lang naten tapos nakikipaglaro pa tayo ng habulan o kaya nagspace jump okaya naman itlog na pabilog bilog"singit ko naman sa pagkukwentuhan nila at sabay sabay na natawa

"Hindi lang yon kamo ang dami kaya natin alam laro tska hindi lang laro naalala niyo paba yung mga kalokohan na ginagawa natin dati"sabi naman ni Eunice isa din sa mga kaibigan namin 

You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now