"Ohmyy! Excited nako! " sabi naman ni Shantel habang hila hila ako papunta sa banyo malapit dito sa floor namin. Mag aayos muna daw siya dahil susunduin siya ng boyfriend niya.
Ganyan din kami ni Xyhrus dati, hindi nga lang nagtagal. napapikit ako sa inis ng maalala ko nanaman siya. Dati kase ay sinusundo niya din ako sa school nga lang. Sinusundo niya rin ako sa tuwing magkikita kami sa kanto o kung saan man ang meeting place namin.
" Ano na girl! Kanina ka pa ha! Anong nangyare sa'yo?" tiningnan ko siya ng masama dahil sa sakit ng pagkakahampas niya saken
"Wala. Tumahimik ka nga diyan. Ang sakit non ha!" asik ko pero umiling iling lang siya.
"Nako, Camilla. Mukhang alam ko na kung anong katapat niyan." nakangiti sabi niya.
"Ano?" walang emosyong pagkakasabi ko.
" Si Sir Scott! "sigaw niya nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ingay niya! Nakalimutan niya yata na nasa banyo na kami. Hinampas ko siya sa braso at doon ay humarap siya ulit saken dahil ang paningin niya ay nasa salamin.
"Aray! Ang sakit Camilla ha!" asik niya pero pinandilatan ko lang siya ng mata.
"Ano ka ba! Ang ingay mo! A-anong pinagsasabi mo pa ba diyan!" asik ko sakanya pero napatawa lang siya.
"Ano bang sinabi ko? Tsa-tska HAHAH! B-bakit" hindi niya matuloy tuloy ang sinasabi niya dahil tawang tawa siya ngayon naiinis ko naman siyang tiningnan. "Anong masama don? Tska wala naman nakakarinig saten oh" tumingin tingin pa siya sa paligid namin na ginawa ko din pero kamalas malasan na may isang babaeng employee na lumabas sa isang toilet room. Tumingin ito samen pero nanatili lang siyang tahimik. At kami eto napapahiyang tumingin sa kung saan.
"Ah, Camilla ano kase ang ibig kong sabihin. Si Sir Scott ano,ah malapit na yung anniversary netong company niya kaya ano. Oo! Ano pupunta ka?" sa isip ko ay natatawa nako dahil sa reaksiyon ni Shantel ngayon at ang palusot na sinasabi niya ngayon halatang hindi niya alam kung anong sasabihin niya
" Hindi ko pa alam. " sabi ko sakanya ngayon ko lang naalala ulit ang tungkol doon pupunta nga ba ako? panigurado nandoon siya. Tska ano naman gagawin ko doon wala din naman akong susuotin. Napabuntong hininga nalang ako at buti nalang natapos na maghugas yung employee kanina at lumabas na siya.
"Whoee! Muntikan na yun ha. Sorry Camilla peace tayo." nakangiting sabi niya sinamaan ko lang siya ng tingin pero wala din hindi ko siya natiis.
" Ang ingay mo kase Shantel! Kapag may nakarinig panigurado ano nalang iisipin nila saken. Baka pag usapan at magka eksena ako ng hindi oras dito sa Scott Company. Employee to CEO issue ganon." sabi ko sakanya nagbaba lang siya ng tingin kaya naman nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay. "Okay lang iyon. Hayaan muna, totoo din naman yung sinabi mo." nakangiti sabi ko kaya ngumiti din siya.
"Hayaan mo. Support kita atsaka I'm here lang kapag may nang away sayo dito. Hindi kita iiwan." natouch naman ako sa sinabi niya kaya nagyakapan kami.
Kinwento ko kasi kanina sakanya yung nangyare saken magsimula kina President Althea at Sir Clark at pati yung mga sinabi saken ni President Althea hindi rin makapaniwala si Shantel pero ang sabi niya pa saken ay himala yon at sigurado daw siya na nakikitaan ako ng good performance sa trabaho ni President Althea kaya ako ang napili niya napangiti ako kase kung ganoon nga ay aayusin kopa. Kinwento ko din sakanya ang nangyare kanina sa conference room at pati yung nasermunan ako hanggang sa storage room kung saan ako umiyak at nandoon din si Sir Scott kilig na kilig siya ng ikwento ko yun natuwa rin ako dahil buti nalang nandiyan siya kanina para icomfort ako kahit papaano ay gumaan ang loob ko kahit sa kabila ng mga ibat ibang klase ng nararamdaman ko kanina.
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.