“Camilla!” tawag naman ni Shantel ng makita niya ko dito sa hallway pabalik sa department namin“Oh?Shantel.” sabi ko nung malingunan ko siya lumapit kami sa isat-isa.
“Ikaw ha, hindi mo ko nirereplyan kagabi.Nakauwi kaba ng maayos kahapon? Tanong niya tumango naman ako
“Nakakapagod no?”
Feeling ko pagod ako dahil sa pabalik balik na ginawa ko kanina.Naubusan kasi ng ink yung mga printer namin at ako ang nautusan dahil nga kailangan ay ako ang kumuha sa stock room pati na rin ang mga bondpapers na kailangan ay pinakukuha sakin na nasa ibaba pa e, nasa taas pa kaya yung floor namin.
“Oo nga e, wala ganyan talaga.Masasanay din tayo”
Bumuntong hininga ako.Oo nga, masasanay din kami.Months palang ang tinatagal namin dito no kaya hindi namin masasabi kung anong mangyayari diba.
“ Hayy!Alam moba?” bumaling siya saken at para siyang masayang-masaya
“Ano iyon?”“Sabi ko nga hindi mo alam.” Ngumiwi siya bago nagsalita ulit.
“Alam moba na magtu-twenty years na this year itong Scott Company!” nanatili lang akong tahimik na nakikinig sakanya bago magsalita
“Ganon.Ang tagal na pala nitong Scott Company no?Kasing edad na naten.” natawa ako ng bahagya bago muling hinintay siyang magsalita
“Oo nga e.Biruin mo yun tuwing maga-anniverssary daw itong company ay pinagse-celebrate nila,which is nagkakaroon daw ng event or party every year!”
“We?Edi kung ganon makakasama lahat ng nandito?”
“Oo naman no! lahat ng nagtatrabaho dito pwedeng mag join para mag-celebrate!” bakas sa hitsura niya ang pagka-excited
“Hmm ganon ba,ang dami mo naman alam samantalang ako hindi ko alam yan.Ang nalaman kolang ay itong company na’to ay pinlano na ipatayo pagkapanganak ni Mrs. and Mr. Scott para sa kaisa-isa nilang anak.Amazing diba?”
“Oo nga,sana ako din may company” habang iniisip na sana.Natawa nalang kami dahil sa pangangarap naming dalawa.
“Ang swerte naman ng anak nina Mr. and Mrs Scott kung ganito diba” sabi ko
Habang nakatayo kami sa may tabi ng hagdan at nagkukuwentuhan.Ganito kami ni Shantel palagi dahil hindi kami magksama sa isang department ay pag may free time doon lang kami nagkakaroon ng chance na mag-usap.
“Talagang swerte!Meron na rin kayang napagawang isang company si Sir Scott sa USA!Akalain mo iyon sa edad niya nakapagpatayo na siya ng sarili pa niyang company,”
Tiningnan ko si Shantel siguro yung Sir Scott na binabanggit niya ay yung anak nina Mr. and Mrs. Scott.Kasing edad lang namin yung anak niya dahil ang narinig ko ay twenty years old na din.
“Nakita mo na ba yung mga nagma-may-ari ng Scott Company, Shantel?”
“Ako?Actually,oo hindi naman araw-raw pero nakita kona sila sa tuwing mapapasama ako sa mga inuutusan okaya naman ay nakakasalubong ko”
Sagot niya napa-awang ang bibig ko dahil buti pa siya ay nakita na niya samantalang parehas lang kami ng tinagal dito sa Scott Company pero ni minsan ay hindi ko pa nakita.Hindi rin naman kase ako pumupunta sa kung saan kung hindi naman kailangan.Tska sabi ng iba ay ganun din ang CEO ng Scott Company.
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.