“Kumusta naman yung first day mo ha, Camilla?” tanong naman ni Alice saken
Break time kasi namin kaya naman kalabas na kalabas ko ng office ay dumiretso agad ako palabas para sana bumili ng pagkain wala akong kasabay kaya hindi na rin ako nagstay sa loob ng office namin feeling ko kasi kakainin ako ng dragon kapag nasa loob dahil sa init ng mga mata nila na nakatingin sakin lalong lalo nayung president slush leader ng team one at idagdag mo pa ang hindi ko maipaliwanag na tawag sakanya
Bumuntong hininga pa muna ko bago sumagot kay Alice na nasa kabilang linya para kausapin ako,tumawag kasi siya sakin. “ Ah, hindi ko masabi e mahirap magkwento kapag sa call tska kona kukwento kapag nagkita na tayo.Pero ayus naman wala pa namang nangyayare sakin dito”
“Mabuti naman kung ganon, naalala kase namin nung huling pumasok ka sa isang kumpanya rin na pinasukan mo tapos pinahirapan ka”
Oo tama si Alice, sa huli kaseng kumpanya na pinagtrabahuan ko e pinahirapan ako ng usto hindi pa naman ako natatapos sa isang gawain na pinapagawa nila ay may panibago na naman silang iniu-utos at sunod sunod na ang mga pinapagawa nila sakin na akala mo’y para akong isang robot okaya naman ay maraming kamay.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ginawa nila saken pero sa tingin ko ayaw nila akong magtagal doon at gusto nila kong mapaalis kaagad kaya naman wala na silang ibang ginawa kundi utos-utusan ako.
Hindi biro ang mga pinapagawa nila sa akin kaya naman hindi rin ako tumagal.Hindi ko kayang tanggapin ang ginagawa nila saken,alam kong trabaho ko iyon pero hindi naman yata tama ang ganoong trato. Sa una ay tiniis at inintindi ko pero nagpasya ako na umalis nalang at maghanap ng iba.|
“Hayaan mo kapag nangyare ulit yon …Edi mangyayare ulit” natatawang sabi ko sakanya habang pinagmamasdan ko ang paligid ng labas mula dito sa loob ng company namin
”Haynako, ang tanga mo talaga Camilla” napaawang na naman ng kaunti ang bibig ko dahil sa sinabi niya at magsasalita na sana ulit ako nung magsalita ulit siya “ Alam mo Camilla hindi masamang lumaban lalo na kung nahihirapan kana”|
“Lumalaban naman ako ha?”
“Talaga ba?”
“Oo naman”
“Okay sige sabi mo.” Wala na siyang nagawa kaya yun nalang ang naisagot niya saken pero nagsalita pa siya ulit “ Huwag kang maging mabait sa lahat ng tao na nakapaligid sayo dahil baka ang inaakala mong kaibigan ay traydor pala”
Nang sabihin niya iyon ay natahimik nalang ako hindi ko malaman kung ano ang isasagot.Kinabahan ako bigla sa hindi maipaliwanag na pakiramdam.Para bang may tumusok nalang saken na biglang nakapagpakaba sakin ng ilang saglit.Umiling ako at pinilit na pakalmahin ang nararamdaman ko.Bakit ba naman kase sa dami ng puwedeng sabihin ay parang may kung ano ang pinaramdam saken ng mga salitang iyon ni Alice
“Hoy!nandiyan kapaba Camilla?” sabi ni Alice habang nasa kabilang linya “Hoy napano ka?” napatingin ako sa cellphone ko at inayos ang pagkakatutok nito sa tainga ko bago sumagot
“Oh, Alice nandito pako…”
“Hindi ka kaagad sumasagot diyan akala ko panaman napano kanang bruha ka!”asik niya at doon nalang ulit ako natawa
“Bakit ano bang mangyayare saken?Wala naman hindi ba?Kaya wag kang masyado magreact diyan ang oa mo” tatawa tawa kong sabi sakanya “Osige na hindi ako puwedeng magtagal baka malate na naman ako” sabi ko narinig ko pa ang pagsabi niya ng bye,see you. Atsaka kona pinatay ang tawag
Tinago kona sa bulsa ko ang cellphone atsaka nagsimula ng maglakad pabalik pero napahinto ako nung may tumawag sakin,napalingon naman ako sa likod ko at laking gulat at pagkahalong saya ang naramdaman ko ng makita ko si Shantel.Oo siya yung nakasabay ko sa interview na nakita ko kahapon pero hindi kami nakapag usap
“Hey newbie” pagtawag niya saken lumingon ako kase alam kong newbie ako hindi niya siguro alam ang pangalan ko kaya newbie ang naitawag niya saken
“Oh, Hi!” pagkaharap ko sakanya ay iyon agad ang lumabas sa bibig ko kaagad naman ako lumapit sa gawa niya at ganoon din siya saken hanggang sa magkaharap na kami
“Ikaw yung sa interview diba?” halos sabay naming nasabi iyon na nakaturo pa sa isat isa, natawa nalang kami dahil sa kinilos naming iyon.
“Oo,ako nga” at sa ikalawang pagkakataon ay nagkasabay na naman kami at natawa
“ako muna” naulit na naman ang pagsabay namin sa pagsagot
“Sige na nga mauna kana magsalita baka magkasabay na naman tayo”sabi ko sakanya
“Oo ako nga yung sa interview.We’ve met na remember nagpakilala ako sayo.” Sabi niya napatawa naman ako ng bahagya at saka ngumiti sakanya
“Oo, naalala kita ikaw yung katabi ko, ikaw din yung nag alok na makipag-shakehands saken”natawa ako, “And kung hindi ako nagkakamali e, ikaw si Shantel” nakita ko naman na nagulat siya
“Oh yeah, naalala mo pa pala ko” hindi makapaniwalang sabi niya saken
“Ah oo naman.Hindi mo naalala yung pangalan ko” sabi ko sakanya napansin ko naman ang kaagad na pagbabago ng reaksiyon niya
“Sorry nakalimutan ko.Makakalimutin din kase ako minsan” napapahiyang sabi niya kaya naman natawa ako
“Okay lang unang pagkakilala palang naman kase iyon,ako pala si Camilla.”nag angat siya ng tingin saken at ngumiti naman ako “ Natanggap ka rin pala, dito saang team ka?”
“ Sa ikalawang team ako,ikaw ba?”
“Sa unang team ako napunta”
“Oh? So napunta ka dun sa mataray na babae?” nanlaki bigla ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala tumango naman ako bilang sagot
Sabay kaming naglakad papunta sa mga office namin at napag usapan namin habang naglalakad na mamaya na ituloy ang paguusap dahil hindi kami puwedeng ma-late sa pagbalik sa mga trabaho namin.
“Give this folder and tell to his secretary that he needs to sign it,okay” sabi naman ni Sir Clark sa isang co-worker ko habang inaabot ang folder at ng mapansin ang pagpasok ko ay napatingin ito sa gawi ko kaya naman yumuko lang ako atsaka dumiretso na sa table ko
Naalis naman ang kaba na nararamdaman ko kanina dahil nakita kong wala ang team leader naming dito sa office kanina kase kinakabahan ako na baka magalit na nanaman siya saken laking pasasalamat ko dahil sakto lang ang pagdating ko inayos ko naman at binasa ang tambak na papel na nakapatong dito sa table ko at nahinto lang ako nung tawagin ako ni Sir Clark
“Camilla?” tawag nito saaken napaangat naman ang ulo ko at lumingon sakanya
“Bakit po Sir?” tumayo ako at lumapit sa harap ng table niya
“Kumain kana ba?” awtomatiko akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya napansin ko naman napatingin ang mga kasamahan ko samin
“Ah o-opo Sir” nauutal na sagot ko sakanya at hindi makatingin ng diretso
“Good” napaangat naman ulit ang ulo ko at nakita ko naman na nakatingin na siya sakin tiningnan ko siya at ngayon naman ay bigla siyang ngumiti anoba?napano siya?nakakahiya to sabi ko sa utak ko dahil sa pag iisip ko sa mga tanong niya ramdam kong namula ang mukha ko sa hiya lalo pa nang ngumiti siya ramdam na ramdam ko din ang mga pasulyap sulyap na co-workers ko samin
“May ipagagawa po ba kayo sakin Sir?”
Umiling siya. “Wala naman,I just want to check on you”
“Po?” ayan na naman siya
“Nothing, you can go back to your place” tumayo siya atsaka dumiretso sa isang table ng co-worker namin at may inaabot na naming folder
Ano ba yon?Nababaliw nadin ba tong lalaking to? Iyon nalamang ang nasabi niya sa utak niya habang pinagmamasdan si Sir Clark ng mapansin naman niyang nakatingin ang ilan sa mga kasamahan niya sakanya ay dumiretso na siya sa table niya at naupo sa upuan niya ano bang pakulo na naman to? Sabi niya parin sa utak niya hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng lalaking to sa mga sinabi niya sakanya. Isa din yata siya sa mga lalaking siraulo,trip yata ako...
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomansaCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.