"Camilla,oh ano na? Ano ng nangyare sayo ayus ka lang ba? Kumusta kana?" sunod sunod na tanong ni Alice saken magkaphone call kase kami "Hindi korin alam Alice" sagot ko sa kanya sa kabilang linya pero ramdam ko maiiyak nako sa mga oras na yun dahil hindi korin alam kung ayus lang ba ko o hindi naman talaga
"Ano ba yan Camilla wag ka ng magpanggap diyan alam kong hindi ka okay" sagot niya bakas sakanyang boses ang pag alala dahil kilala ko si Alice ganoon siyang tao lalo na sa mga kaibigan niya
"Tss alam mo naman pala bakit nagtanong kapa" pilosopong sagot ko sakanya pero buti pa siya may sagot huh
"Oy Camilla umayos ka nga hindi ako nakikipag biruan sayo ngayon" medyo tumaas ang boses niya dahil siguro nakuha kopang mamilosopo ng sagot sakanya sa ganoong kaseryosong tanong niya
"Hindi rin naman ako nakikipag biruan sayo hindi ko naman kase talaga alam kung okay talaga ko o pinipilit kolang maging okay" tila bumalik na naman yung hitsura ko kanina biglang bumalik na naman ang lamukot kong mukha sa tuwing aalalaanin ko kung ayus lang ba ako o hindi naman
"Tsk tsk,Sabi ko naman saiyo nandito lang ako kapag may problema ka diba" sagot ni Alice
"Alam ko kaso ayoko lang maka abala" nandoon parin yung hitsura ko kanina at hindi parin nagbabago hanggang ngayon
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?Anong abala abala?!" ayun na naman at tumaas na naman ang kanyang boses parang nanay ko kapag nagagalit
"Tss alam ko kaseng nag aaral kayo ngayon, alam kong marami din kayong iniisip at tska kailangan niyong magfocus sa pag aaral niyo lalo na third year Collage na kayo" sabi ko naman sakanya at medyo matagal bago siya nagsalita ulit
"Alam mo kahit na nag aaral kami ngayon kaya ko magbigay ng oras para sayo,sainyo. Para saan pa ang magkakaibigan diba" paliwanag niya
"Sorry na sa susunod magsasabi nako sainyo ayoko lang kasi talaga na magsabi hanggat kaya kopa" sagot ko naman sakanya at panay nalang ang buntong hininga
"At kailan mo naman balak sabihin ha? Kapag wasak na wasak kana? Umayos kanga!" bulyaw naman niya sa kabilang linya
"Oh bakit moko sinisigawan?" sagot ko agad sakanya at doon naman ay natawa nalang ako dahil sa klase ng pag uusap namin ngayon
"Sorry, tsk ikaw kase. Tingnan mo tumatawa kapa sa lagay mong yan" parang di makapaniwalang sagot niya saken sa kabilang linya kung makikita ko siguro siya ay matatawa rin talaga ko
"Nagsorry kanga sinisi mo parin ako di bale mas okay na yung ganto diba kaysa naman umiiyak." ngumiti ako ng mapait dahil ngayon alam kona na hindi talaga ko okay
"Ah bastat kapag wala kaming pasok pupuntahan kita diyan sainyo"
"Sige sige ikaw bahala, atsaka yayain mo na din sina Eunice tska si Precious para naman kompleto tayo" Oo sila yung mga kaibigan ko simula noon hanggang ngayon solid friendship diba
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
Storie d'amoreCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.