Chapter 34

5 2 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa hotel na malapit sa Scott Company namin. Crystalize Hotel ang pangalan ne'to mukhang isa din ito sa mga sikat at mamahaling hotel sa Manila kitang kita ang mataas na hotel na'to at ang mga salamin na kumikintab sa linis ang buong hotel ay parang isang crystal na halos babasagin at makikintab. Maganda ang pagkakagawa sa labas at loob masasabi kong magaling ang nagdisenyo neto. Hindi na namin nilibot pa dahil sinamahan na kami ng hotel staff member na dumiretso sa lugar kung saan gaganapin ang event may mga invitation cards pala kami dahil baka may mga makapasok na hindi naman invited.



"Ang ganda naman pala dito." sabi ko kay Shantel habang hila hila siya sa paglalakad papunta sa lugar kung saan kami.

"This way Ma'am." sabi naman nung isang hotel staff member sa isang lugar kung saan may malaking pinto sa harapan namin.


"Thank you." sabay na sabi namin ni Shantel ng nakangiti at ganoon din iyong staff member



"It's our pleasure Ma'am. Ang ganda niyo pong dalawa." dagdag niya pa nahihiya naman kaming ngumiti ni Shantel " Enjoy the celebration Ma'am." iyon lang at umalis na siya.



"Ohmyy! Narinig mo iyon kanina pa nga tayo pinagtitinginan sa labas pano pa kaya dito." sabi naman ni Shantel


"Mukhang mapapasabak ako ngayong gabi. Mukhang kailangan kong umarte at makipagsabayan sa lahat ngayon ha." sabi ko sakanya habang natatawa ganun din ang ginawa niya.


" Ganyan talaga kapag maganda. Kailangan masanay ka na. Nagtatrabaho tayo sa isang sikat at magandang Scott Company sa Manila oh." sabi niya pa "Okay, let's go." sabi ko sakanya at pumasok na sa loob.


Pagka pasok na pagkapasok palang namin ay pinagtitinginan na kami ng mga nandoon. Marami na din tao. Mga nag gagandahan at nag gagwapuhan ang lahat dahil sa ayos. May mga siguradong employee lang sa company namin at meron din iba na siguro ay mga ininvite dito sa event meron din sa harap na siguradong mga business partners ng Scott Company dahil sa hitsura at ayos nila at nasisiguro kong mayayaman sila hindi kona makita pa ang iba dahil wala ang salamin ko pero sa may gitna ay paniguradong para sa CEO at sa mga magulang neto. Maganda ang pagkakadecorate ng event, ang mga table ay halos malaking bilog at natatakpan ito ng manipis na kulay puti na may halong gold sa tela maging ang mga upuan mayroon din vase ng bulaklak na nasa gitna ng table. Sa magkabilang side naman ng sulok ng event na ito ay may mga hotel staff members na nag aasikaso din siguro meron din para sa mga gustong magpaserve ng pagkain o inumin tulad ng wine o champagne. May malaking stage kung saan siguradong magsisimula ang program may nakalagay din sa harap na  " Let's celebrate the  Twentieth Anniversary of Scott Company! "


"Ang ganda niya." sabi nung isang lalaki na nadaanan namin

" Uy maganda ka daw sabi nung kuya." nakangiting bulong saken ni Shantel pero hindi ko siya nilingon at ngumiti lang ako


"Ang ganda nung nakablack." sabi naman nung isang lalaki sa may kabilang side table na nadaanan namin


"Oh, maganda ka daw sabi nung kuya." bulong ko din sakanya pero bahagya lang siyang natawa.


"Pinagtitinginan na tayo ng ibang lalaki tska babae oh" sabi naman ni Shantel habang naglalakad pa rin



Mabagal kaming maglakad dahil mayroon mga nakatayo at ang iba ay dumating palang atsaka nakagown kami kaya dahan dahan lang kami sa paglalakad.


"Hindi nga lang pinagtitinginan pinagbubulungan pa tayo. Ano kayang pinagsasabi nila saten no? Tska mukhang may mga masama din ang tingin saten napansin mo?" tumango lang siya at medyo natawa


You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now