Chapter 32

3 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw na hindi ko siya nakausap. Ginawa ko ang lahat para hindi niya ko makausap. Ginawa ko ang lahat para magtago at maiwasan lang siya. Ginawa ko din ang lahat para hindi ko siya makausap. Pinilit kong mag focus sa mga ginagawa namin sa department namin inabala ko ang sarili ko sa  paggawa at pagtapos ng mga trabaho ko. Kapag kakain ako ay hindi ako iniwan ni Shantel palagi kaming magkasama alam kong hindi niya ko malalapitan kung sakaling makita niya man ako dahil kasama ko si Shantel. Kahit sa pag uwi ay sabay kami ni Shantel may mga araw din na sinabay ako ni Sir Clark sa pag uwi dahil gabi na raw hindi na rin ako tumanggi dahil alam kong delikado rin. Hindi lang ako ang inihatid ni Sir Clark dahil nandoon din si President Althea. Sa pagpasok naman ay pilit kong binibilisan dahil baka makasalubong ko na naman siya sa pagpasok. May mga oras na madadaanan ko ang office niya dahil nasa iisang floor lang kami pero mabuti nalang ay nasa loob siya. May mga oras na hindi talaga maiiwasan at makikita ko siya sa hallway na nakikipag usap sa secretary niya okaya sa iba pa pero sumasabay ako sa mga ibang employee para lang makaiwas sakanya minsan ay nagpapanggap din akong hindi ko siya nakita at nakatutok lang sa mga folders na hawak ko.






"Hoy Camilla! Hanggang kailan mo ba gagawin yang kakaiwas iwas mong iyan ha?" asik naman ni Shantel ngayon saken habang hila hila ako dito sa mall.





Wala kasi kaming pasok ngayon kaya naman nasa mall kami ngayon. Pinuntahan niya ko sa bahay namin para daw pumunta ng mall ayaw ko sana pero alam kong wala akong magagawa dahil nageffort siya sa pagpunta sa bahay namin para pumunta dito sa mall.





" Hindi mo alam. Siguro hanggat kaya ko. Kaya ko pa naman e. " pero alam ko sa sarili ko na gusto ko na rin itigil ito dahil ako rin ang nahihirapan sa ginagawa ko.




"Wag mokong niloloko. Kilala na kita. Alam kong pinipilit mo lang yang sarili mo. Hindi ka ba nahihirapan sa mga ginagawa mo?"




Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kakulitan niya. " Nahihirapan din pero ginusto ko to e." nahihirapan ako dahil habang tumatagal ay lumalala ang nararamdaman ko para sakanya.




"Kita mo na nahihirapan ka na pala e mas lalo mo pang pinapahirapan ang sarili mo Camilla. If I were you itigil mo na iyan. Wala kang mapapala sa ginagawa mo."





"Meron kaya." sabi ko habang tumitingin tingin sa paligid ko.



"And what is that?" nakataas pa ang kilay niya.



"Ayon nakayanan kong hindi siya kausapin. Nakaya kong iwasan siya." sabi ko sakanya pero umirap lang siya.



" Talaga lang ha? Ayus ka den no. Kung ako sayo ititigil kona talaga iyan bago pa mahuli ang lahat. Nandiyan na yung ulam oh nasasayo nalang kung kakainin mo." natatawang sabi niya napamaang nalang ako sa sinabi niya





"Ewan ko sa iyo Shantel. Palibhasa may boyfriend ka kaya ka ganyan."



"Kaya nga tinutulungan kita para mag ka boyfriend ka na din e!" asik niya napalayo nalang ako sakanya dahil sa ingay niya nasa mall pa naman kami.



"Hindi nga niya ko gusto e!"asik ko naman sakanya pero sinabihan niya lang ako ng sad.




"Pero kahit na hindi pa rin ako susuko sa lovestory niyo. Bagay kayo diba sabi mo rin sinabi din sayo ng mga kaibigan mo na bagay kayo kaya makinig ka samin. Support ka din nila sa lovestory mo kay Sir Scott diba 'your lorenz' " nangaasar na sabi niya habang ngingiti ngiti pa na parang ewan talaga!





Okay talo nako sila ng panalo. Paano ba naman ay panay ang pangungulit nila saken. Nahihirapan na nga din naman ako kaya kailangan ko na rin sigurong tigilan nga 'to. Tska tama naman sila pinapahirapan ko lang ang sarili ko at walanaman akong mapapala dahil hindi ko na matatakasan pa kung anong nangyari na. Hindi kona maiiwasan at maalis ang nararamdaman ko dahil nandiyan na. Hindi ko na rin kayang pigilan dahil hindi ko kaya. Kapag tinamaan ka nga naman ay tinamaan ka talaga.





You Are the Reason [ ON-HOLD ]Where stories live. Discover now