Maaga akong nagising ngayon para pumasok. Nakatingin ako sa salamin ngayon at pinagmamasdan ang sarili ko suot ang uniform ko. Blouse at itim na slacks ang porma namin, mayroon din naman kaming skirt pero mas pinipili kong suotin ang slacks, may hitsura ako kaya bumagay naman saken kung hindi lang ako nakasalamin ay puwede na. Sumasakit nga lang ang paa ko minsan dahil sa heels na sinusuot ko sa pagpasok, hindi naman mataas ang heels na sinusuot ko dahil three point five inches lang naman ang required na dapat isuot para sa trabaho.
"Ang daming sasakyan." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa trabaho. Naisip ko na balang araw ay magkakaroon din ako ng ganyan para hindi nako maglalakad at maisasakay ko pa ang pamilya ko.Napangiti ulit ako sa sarili kong hangarin.
Papasok na sana ako ng may magsalita sa likod ko ng makalingon ako at sa sobrang gulat ay muntikan nakong matumba pero agad naman akong nasalo neto.
"It looks like you are early today." nakangiting sabi niya habang nakatingin paren saken at nakatingin rin ako sakanya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong nanigas sa kinalalagyan ko ngayon. "Are you okay?" Tanong pa niyang muli at inalalayan akong makatayo ng maayos
"Ahh, okay lang ako. Salamat " sabi ko pinakatingnan niya ako at parang inaalam kung nagsasabi nga ba ako ng totoo. Tumingin siya sa kamay niya sinundan ko naman kung saan ang tingin niya at doon kolang narealize na nakahawak parin pala ako sa mga kamay niya. Agad akong bumitaw at dumistansya ng kaunti sakanya diko malaman kung ngingiti bako o kung ano.
"Sa susunod mag-iingat ka palagi kanalang may natatamaan" tila nagaalalang sabi niya tiningnan ko pamuna siya atsaka siya ngumiti nagiwas ako ng tingin
Tumawa ako ng bahagya. "Oo nga e. Hindi ko rin kase napansin siguro nga bulag nga yata ako." naalala ko yung sinabi nung babae saken sa mall natawa ako dahil baka tama nga siya pero alam ko sa sarili ko na hindi naman ako bulag at malabo lang talaga ang mga mata ko.
"Aksidente yan hindi mo maiiwasan" nag angat ako ng tingin sakanya. " Naalala ko pa nga na dito kita unang nakita " natawa siya at tumingin saken.
"Dito?Kailan naman iyon?" Nagtataka akong tumingin sakanya iniisip kung ano ang sinasabi niya.
"Yeah, here. I saw you for the first time here. You're asking for a direction if I'm not mistaken." napaawang ang bibig ko ng maalala ko nga siya.
"Oo nga no! Ilan beses na pala tayong nagkita hindi ko man lang alam. " sabi ko sakanya na napayuko pa. Hindi ko talaga alam kung paano ako aakto sa harap niya.
"It's okay. Tapos na iyon. Ang mahalaga ngayon. I'm sorry kung naging harsh ako sa'yo noong una dito. May problema kase ang company that time at wala ako sa mood. I hope you understand at hindi ka magalit saken because of my behavior na pinakita sa'yo noon." seryosong sabi niya bigla ay hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Ah, wala na iyon. Tapos na nga diba. Aminin ko that time nainis ako dahil sa pinakita mo saken but noong gabing nakasama kita doon ko nakita na mabait ka naman pala." bigla ay natawa siya nag angat ako ng tingin sakanya. Dahil nga mas matangkad siya saaken ng bahagya at kailangan kopang mag angat ng tingin sakanya.
" So your saying noong una mokong makita ay mukhang masama ang ugali ko, am I right?" hindi ako sumagot. " Well, I can't blame you siguro nga ganoon nalang ako naging ka harsh sayo" diko na naman alam ang sasabihin ko ano ba Camilla baka bigla kanalang tanggalin sa trabaho niyan.
" Ah,hindi po." kumunot ang noo niya bigla. "Hindi naman po sa ganoon. Hindi ganon." sabi ko sakanya.
"Hey, Camilla" sabi niya at tumingin saaken nahinto ako at tumingin sakanya bigla ay kinakabahan ako lumalakas ang heart beat ko parang tinatambol ang puso ko sa sobrang lakas at hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang maghumirintado ang puso ko pag siya na ang kaharap ko.
"Po?" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko hindi ko na kaya magsalita pa ng marame dahil baka iba ang masabe ko sakanya.
Napapikit siya. May nasabi bakong hindi maganda? Naiinis ba siya? Nagagalit ba siya saken? Bakit? Ano bang ginawa ko?
"Alam mo Camilla?" Sabi niya kinakabahan nako tumingin tingin ako sa paligid namen at nakita kong may mga ilang employees na ang nakakita saamin nakakahiya baka kung anong isipin nila.
Napapikit ako at pilit na pinaghahawak ang mga kamay ko upang huwag maghiwalay. " Ba-bakit po?" naiinis ako dahil nautal pako sa pagsasalita.
" Cut that po. " napapikit na naman siya.
" Ano po? " wala sa sariling sabe ko.
" I'm not comfortable with that. Mas gusto kong wag kang mag po pag ako lang ang kausap mo." sabi niya
"Pero hindi naman po yata tama iyon." sabi ko sakanya. Hindi nga naman dapat dahil siya ang CEO ng Scott Company he deserve to be respect.
" No but's. Cut that po or opo. Ikaw lang pwedeng huwag mag po at opo sakin. Do you understand?" sabi niya dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko ay tumango nalamang ako. " Okay, I have to go now to my office I'll see you around." nakangiti siyang tumalikod saken at naglakad nakahinga ako ng maluwag pero ang puso ko ay patuloy parin sa paglakas ng tibok.
"Oh Camilla. Dahan-dahan baka malusaw " bigla ay sumulpot si Shantel sa harap ko
"Ha? Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sakanya at nagsimula ng humakbang paalis sa kinatatayuan ko simula pa kanina. Feeling ko matagal akong nakatayo doon dahil nasa harap ko siya feeling ko bigla nalang bumagal ang oras.
"Ayun, palusot kapa. Si sir Scott tinutukoy ko. Grabe anong sabi sa'yo? Nagalit ba siya? Ano ha?" sunod sunod na tanong niya habang nakatingin saken nilingon ko siya at natawa sa hitsura niya dahil mukhang excited at seryoso siyang malaman.
Kinwento ko sakanya ang lahat ng pinagusapan namin ni Lorenz kanina. Tutok na tutok talaga siya habang nakikinig saakin. Tuloy ay hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa hitsura niya. Panay din ang pang aasar niya pero tinatawanan ko nalang at panay din ang pagtanggi dahil may mga sinasabi siya na imposible naman mangyare.
"Malay mo diba? Kinikilig ako! Excited nako sa mga magaganap!" Masayang sabi niya saken.Maaga pa kaya nagkuwentuhan muna kami dito sa may hagdan kung saan kami madalas magstay
"Ano bang pinagsasabi mo diyan Shantel. Napakaimposible naman ng mga sinasabi mo. Hindi ka sigurado no. Tska malabo na magkagusto saken yun. Panigurado iba ang gusto non. CEO siya panigurado mataas standards niya tska mabait lang talaga siguro siya kaya ganyan siya makitungo saken." sabi ko sakanya napataas naman ang kilay niya at saka napabuntong hininga.
"Sabagay may point ka. Pero hindi kaya ganyan siya dahil babaero siya!Ohmy!! Oonga baka babaero siya tapos ikaw ang target niya!"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya hindi ko alam kung anong sasabihin pero baka nga, baka posible nga ang sinasabi ni Shantel. Inalala ko ang mga ilan sa sinabi niya at mga kilos na pinakita niya saaken nung gabing makita niya ko at hinintay matapos sa trabaho ko noon at inihatid pa niya ako sa bahay.
Ngayon ay nabigyan ng malisya saken ang mga ginagawa niya hindi ko maiwasan kabahan dahil baka nga kaya ganyan siya saken ay gumagawa na siya ng move. Hindi dapat ako magpakabulag sa nararamdaman ko baka masaktan lang ako ulit. Hindi kona yata kakayanin pa kapag nasaktan na naman ako.Bigla ay nakaramdam nanaman ako ng lungkot.
"Tama na yan Shantel. Papasok nako. Pumasok kana din." sabi ko sakanya nagtataka siyang tumingin saken pero nanahimik nalang at tumango.
Pumasok ako sa office namin ng mabigat ang nararamdaman hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako ng walang sapat na dahilan o rason akong maipaliwanag.
YOU ARE READING
You Are the Reason [ ON-HOLD ]
RomanceCamilla Ember Ramirez is beautiful, strong and kind woman.She will do everything to help her family so she chose to stop studying when she is in College and end up working ,she will meet Lorenzo Jaziel Scott the CEO of the Scott Company.