Napangiti ako dahil sa tawag na nakuha ko. Pinapapunta ulit ako sa art gallery noon HR na naginterview sa akin. Akala ko hindi na ako tatawagan dahil tatlong linggo na ang nakakalipas at wala pa akong narinig na balita. Akala ko pa nga ay hindi ako pumasa sa interview dahil sa totoo lang pre-occupied pa rin ako ng thoughts tungkol kay Gracie pero nakakatuwa na pinapabalik nila ako sa opisina para pumirma ng kontrata.
Napatingin na naman ako sa celphone ko ng magring ulit ito. Si Apol.
"Apol..." Iyon lang ang nasabi ko. Nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari kay Gracie. Sa kanya ako nakikibalita sa kalagayan ni Gracie.
"Maayos na si Gracie, Rachel. Huwag ka ng mag-alala. Isang linggo na siyang nakauwi sa bahay." Nakahinga na rin ako ng malalim. "Huwag ka na rin mag-isip tungkol sa sinasabi ni Kuya Sac na demanda. Hindi naman allergy ang sakit ni Gracie. Na-dengue siya. Kaya ayun pinalinis ni kuya ang buong bahay at pinausukan bago umuwi si Gracie."
"De-dengue?" Hindi allergy pero dengue. "Okey na ba talaga si Gracie? Ayos na ba talaga siya?"
"Opo. Parang anak mo si Gracie kung makapag-alala ka ha."
"Apol naman... gusto ko lang makasiguro. Napalapit na rin sa akin si Gracie."
"Mukha nga. Wala na ba talagang pag-asa na maging kayo ni kuya?" Napairap na lang ako sa sinabi ni Apol.
"Apol, kung ayaw mong magkaworld war 3 huwag mo ng ipilit. Hinding-hindi kami magkakasundo ni Sac. Di ba sinabi ko na sa'yo ang natural na pagkaayaw namin sa isa't isa."
"Bakit? Dahil ba doon sa nangyari kay Gracie? Pagpasensiyahan mo na si kuya...alam mo naman kakamatay palang ni Uncle Paeng tapos fresh pa iyon pagkamatay ni Ate Hannah. Palagay ko takot ng mawalan si Kuya Sac. Nakakawa nga eh. Patawarin mo na." Natawa na lang ako sa sinabi ni Apol.
"Wala naman akong sama ng loob sa kanya Apol dahil sa nangyari. Naiintidihan ko kung bakit ganoon siya. Si Gracie na lang ang meroon siya at kahit ako kung ako ang nasa kalagayan niya baka naghurumentado rin ako. Ang mabuti niyan maayos na si Gracie. Salamat talaga sa Diyos maayos na siya." Napangiti ako.
"Iyon naman pala...wala na ba talagang pag-asa si kuya?" Napailing na lang ako. Makulit din itong si Apol. "Rach...mabait si kuya kung makikilala mo lang talaga siya." Natawa na lang ako.
"Siguro nga mabait siya pero hindi sa akin. Tama na Apol. Bakit ba pinipilit mo sa akin ang pinsan mo? Ireto mo naman sa iba." Napatingin naman ako sa tabi ko at nakita kong dumilat si Andrei. "Tulog pa baby ko." Tinapik-tapik ko pa ito at pumikit ito ulit.
"Wala naman akong makitang iba na mahilig at pasensyosa sa bata maliban sa'yo. Package kasi si kuya at Gracie at maraming may ayaw. Atsaka alam mo naman ang ugali ni Gracie. Walang tatagal."
"Kung ieendorse mo kasi magpakita ka ng picture. Gwapo ang pinsan mo wala akong di pagsang-ayon doon. Sinasabi ko sa'yo magkukumahog ang mga babae diyan." Natawa si Apol. "Atsaka iyan na ba ang purpose mo sa buhay? Ang hanapan ng babae si Sac?" Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Apol.
"Naawa kasi ako sa mag-ama...Lalo na kay Gracie. She needs a mom."
"Maybe God has a plan for them, Apol. Hayaan mo na lang mag-unfold ang plan ni God sa kanila."
"Sige na nga sister Rach." Napairap naman ako sa sinabi ni Apol. "Ay, Rach nasa akin si Milky. Binigay sa akin ni kuya at pinapabalik sa'yo. Makakapunta ka ba sa bahay ngayon?"
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.