"Good Morning!" Napatingin naman ako kay Becca ng hindi ito magsalita. Nakita ko naman nakasimangot ito at mukhang wala sa mood. "Anong problema, Becca?"
"Hindi kasi pupunta si Sir Isaac ngayon kaya ganyan iyan." Tumingin ako kay Mary ng magsalita ito.
"Ah ganoon..." Natuwa naman ako na wala siya dito ngayon sa office. Mas makakagawa ako ng trabaho ko at walang mamimilit sa akin.
"Lahat naman ata sa office, Rachel malungkot dahil wala si Sir Isaac." Napangiti ako. Gusto kong sabihin may isang taong nagbubunyi kapag wala siya at ako iyon. Pero kinanya ko na lang ang dapat kong sabihin. Mukhang ang buong office namin na halos lahat ay babae ay smitten sa boss namin. Kung iyon iba ay gusto wala ang boss gaya ko ang mga colleagues ko naman ay gusto na nandito siya. "Kahit din naman ikaw, di ba Rachel? Gusto mo rin si Sir Isaac?"
Gusto kong tumawa ng malakas sa sinabi ni Mary pero pinigilan ko. Tumingin pa sa akin si Becca na tila hinhintay ang sagot ko.
"O-okey naman siyang boss." Ngumiti na lang ako at nagpatuloy lumakad sa opisina ko.
Binaba ko na ang mga gamit ko ng mahalata ko naman wala na ang mga papel sa table ko. Huwag mong sabihin kinuha na naman iyon ni Sac at ginawa? Hindi na siya naghintay na bumalik ako after ng course?
Kaagad kong kinuha ang phone ko at nagmessage sa kanya. Tinanong ko kung kinuha niya ang trabaho ko at kung maari ko bang makuha pabalik ang iba. Naghintay pa ako ng ilang minuto na sumagot siya pero wala akong sagot na nareceive sa kanya. Ayoko naman pasukin ang kwarto niya at maghalungkay doon ng walang permiso niya.
Narinig kong nagring ang phone ko at sinagot ko agad ito sa pag-aakalang si Sac iyon pero hindi pala. Iyon pala ang delivery ng mga paintings para sa susunod na exhibit. Kaagad akong bumaba ng opisina para salabungin.
...
"Dito na lang iyon huli." Mando ko pa sa contractor namin sa pag-aayos niya ng painting. Napangiti ako at tumingin sa kabuuan ng hall. Kahit wala ako ay nakuha ng contractor ang gusto kong gawin nila. Salamat na lang din kay Sac at nandito siya para isupervise ang ginagawa nila.
"It is perfect." Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko ang magandang si Black Dahlia. Ngiting-ngiti ito sa akin at niyakap ako.
"Dahlia, hindi mo pa exhibit. Mukhang advance ang pagyakap mo."
"Well, kahit hindi ko pa exhibit I love you to bits na. You exceeded my expectation. I hope iyon ambiance ng hall ay makadagdag sa aesthetics ng paintings ko. Pandaya ba." Kinindatan lang ako nito. "Teka, nasaan si Isaac?"
"Si boss? Wala siya ngayon. Nagkita na pala kayo?"
"Oo, lagi kaya ako nandito. Hay, I love your boss he is so nice." Napatingin naman ako ng matagal kay Dahlia. He found Sac nice? Bakit nagulat naman ako doon sa first impression niya kay Sac. "He really listened to my request and even gave input to my paintings. He really is adept in arts or should I say in painting." Tumango ako kahit hindi ko alam ang sinasabi ni Dahlia. Sabagay hindi naman magkakaroon ng ganitong business si Sac kung hindi niya interest ang arts. Maybe he is an enthusiast. "I really like your boss. Gwapo pa! Is he single?"
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.