I am satisfied by the success of my first event. Parang ang lahat ng pagod ko the past few weeks ay napawi dahil nagustuhan ng agent at ng artist kung paano naipresent ang mga gawa niya. Marami rin press ang dumating at marami ring taong kilala ang inimbitahan for the inauguration of the exhibit. Marami pieces na nabili agad at meroon pang umorder in advance. The artist and agent were thrilled.
"Good job, Rachel." Ngiting-ngiti sa akin si Aaron ng makita ulit ako. Sa sobrang busy namin dalawa ay ngayon na lang kami nagkakitaan. "And I love the pretty black dress." Natawa ako sa sinabi ni Aaron. If I didn't know better aakalain kong gay si Aaron. Pero dahil alam ko ang creative sides niya at ang statement niya sa fashion kaya ganito siya kumilos at magsalita.
"You look good too boss." Tumawa siya. Nakatuxedo kasi ito. Mukhang overboard ang itsura niya for the event pero bagay naman sa kanya. Mahilig talaga si Aaron sa extravagant.
"Ang hitad ay masayang-masaya sa natamo ng alaga niya." Kilala ko na ang pinatutungkulan ni Aaron. Ang agent ng artist.
"Hitad talaga Aaron?" Hindi ko talaga minsan gusto ang choice of words niya.
"Well, I used that word because I know her." Tumango na lang ako. "Rachel, may papakilala nga pala ako sa'yo. Come." Tumango na lang ako at kinuha ang braso niya. Lagi naman ganito si Aaron. No big deal. Sanay na ako.
Maraming tao pa rin sa reception area. Nandoon si Becca at ang isang bagong receptionist na maganda rin. Mukhang iyon ang pamantayan ni Aaron sa mga receptionist. Kailangan maganda. Nandoon rin ang accounts manager at HR manager. Kapag may event ay kasama ang buong office. Malimit kasi sa events nagaganap ang maraming sale ng mga artworks.
"Teka, nasaan na iyon?" Lumingon-lingon si Aaron at mukhang may hinahanap ito. "Nandito lang iyon."
"Sino ba iyon hinahanap mo?" Tanong ko rito. Mukhang desperado na ito na hindi na niya makita ang hinahanap.
"Iyon suwail kong kaibigan. Hay...tinakbuhan na naman ako." Humiwalay sa akin si Aaron at pumunta kina Becca. Tumingin-tingin na lang ako sa crowd. Hindi ko naman alam kung sino ang hinahanap ni Aaron na suwail niyang kaibigan.
"I'm very sorry Rachel. Mukhang umalis na siya. Hay... iyon lalake na iyon talaga. Makikita niya."
"Sino ba iyon, Aaron?"
"Sino pa ba kundi iyon paborito mong painter." Napaisip naman ako sumandali sa sinabi niya. Paborito kong painter?
"Paborito kong....si-si Jacob Garcia?" Napangiti naman ako. "Pero seriously nandito siya, Aaron?" Naexcite naman ako bigla.
"Kanina pero umalis na ata na hindi man lang nagpapaalam. Sabi ko may ipapakilala ako sa kanya na naiintriga sa gawa niya. Aba'y umalis. Matandang bugnutin na talaga."
"Sayang naman. Sana sa susunod makita ko na siya."
"You will...you will. Pipilitin kong mapakita siya sa'yo kahit ikamatay ko. Kapag walang saltik. Minsan kasi may saltik iyon." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Sayang naman talaga. Gusto ko pa naman sanang makita ang pintor sa likod ng nagustuhan kong painting.
...
Natapos na ang unang araw ng exhibit at nakakapagod. Nauna na ang iba kong kaofficemate at naiwan na lang kami ni Aaron na nagsupervise pa ng pagliligpit ng catering service at ng contractor namin sa cleaning ng reception hall.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.