"Dahlia this is so beautiful." Nasa condo ako ni Dahlia ngayon dahil sa pag-imbita niya at dahil na rin sa may ibibigay raw siya sa akin na painting. Ang ganda ng condo ni Dahlia at malaki ito. May sarili pa siyang veranda na punong-puno ng halaman kung saan niya ako hinandaan ng merienda. Dinala niya sa akin ang isang maliit na painting. Painting ito na mukhang makaluma at may mga tupa pa. May isang lalake na nakatingin sa babae na kasama ang mga tupa at ang babae naman ay tila hindi halata ang pagtingin ng lalake.
"Thank you, Rach. Ang title niyan ay Jacob and Rachel. Iyon characters sa bible." Napangiti ako sa impormasyon sinabi ni Dahlia. "Jacob cannot do anything but just look at beautiful Rachel and wait. Alam mo ba ang story nila?"
"Oo Dahlia. Naturo siya sa Sunday school. Jacob waited to have Rachel as a wife but was tricked by his Uncle Laban so instead of marrying her Jacob marry his Uncle's first born, Leah. Pero sa huli naman he ended up with Rachel and he loved her so much that bore Joseph and he love him most among his sons."
"Yes, Rachel. He waited to have her. Fourteen years. Grabe ang tagal nun."
"True love waits siguro nga." Naibulalas ko na lang.
"Well, malay mo pareho kayo ng story ng katukayo mo. There would be a Jacob who is waiting for you, Rachel." Natawa ako.
"Sige maghintay rin siya ng fourteen years." Tumawa naman si Dahlia. "Speaking of Jacob, meroon ka bang kilalang painter na Jacob Garcia?" Tumingin naman sa akin si Dahlia na para bang may inaalala.
"I think I've heard of that name before."
"Talaga?"
"Bakit hindi mo alam? Ikaw ang nagtatrabaho sa art gallery kaya."
"Kahit naman doon ako nagtatrabaho wala pa rin akong makuhang impormasyon sa kanya."
"I think I've seen his paintings. Yes, oo, iyon, portrait ng magandang babae. Ano bang title noon...ayun, 'A face that could launch a thousand ships.'" May naalala naman ako sa deskripsyon na iyon. "He is a romantic kind of painter sa pagkakaalala ko. I've seen one of his exhibits and it was the face of a single model in every painting that has a woman in it. Tama, tama siya nga iyon. The romantic painter. Malimit ang pinipinta niya kasi ay ang 'muse' ng buhay niya." Lumaki naman ang ngiti ko sa sinabi ni Dahlia. A romantic painter who paints the woman that he is in love into?
"Nakita mo na ba siya? Alam mo bang intrigang-intriga ako sa kanya dahil sa nag-iisang painting niya sa gallery namin."
"I've been to his exhibit before but I haven't seen him. Masyado nga siyang mailap sa tao. I remember I asked his agent whether I can get the opportunity to meet him in person but the agent said he was not available. Hangang-hanga kasi talaga ako sa mg paintings niya dahil iyon way niya na makapagconvey ng emotions. Iyon facial expression, iyon life-like na emosyon ng mata ng potrait niya para bang may kaluluwa kang nakikita. Tama, parang buhay ang painting niya." Naibaba ko naman ang iniinom kong tea sa sinabi niya.
"You feel the same way too? Ganoon rin ang pakiramdam ko ng makita ko iyon painting niya na 'Her annoying smile'."
"Her annoying smile? Hindi ko ata alam ang painting niya na iyon. But anyway, mukhang hindi lang naman tayo ang nakakapansin ng gawa niya. I think he was recognized as a prodigy. His talent is really rare. To be able to transcend emotions that effectively is more than a skill and talent. It is a gift."
"Parang lalo naman akong naintriga sa kanya dahil sa sinabi mo. Parang mas naging eager ako na mameet siya." Tumawa lang si Dahlia.
"I think tumigil na siya sa pagpepaint. I think more than three years or four years na rin ng huli ko siyang nabalitaan. Sa ngayon wala na akong nakikitang painting niya na for exhibit at totally wala na talaga akong balita sa kanya."
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.