Chapter 29

5.6K 203 50
                                    

"Kasali sa play si Gracie?" Tanong ko kay Sac sa telepono kahit nag-aalangan. Lunes ngayon at nakauwi na ako sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay ay narinig ko ng tumutunog ang cellphone ko. Si Sac. Nakatingin lang ako ng matagal sa cellphone ko kung sasagutin ko ba o hindi. Hindi pa rin kasi ako mapalagay sa nangyari sa amin noon Biyernes at gusto kong magtanong kung ano ba kami. Hindi rin naman kami nagkita noon Sabado gaya ng sinabi niya pero mas nanaisin ko na iyon kesa magkita kami. Basta ang alam ko matapos ng araw na iyon hindi na maalis sa isip ko si Sac at palagi nagpaflash back ang nangyari.

"Yup, sa next three weeks ang play." Sagot naman nito. "Nasaan ka?"

"Sa-sa bahay. Kakauwi ko lang." Buti na lang at sa telepono kami nag-uusap ngayon at hindi personal. Kundi ay baka hindi ako makapagsalita ng tuwid dito.

"Mabuti naman maaga ka nakauwi."

"Oo. Bawal na kasi mag-ot ngayon. Balita ko sa management ay nagcocost cutting." Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Sac sa kabilang linya. "Anyway, anong title ng play nila Gracie?"

"The Nativity." Natawa ako.

"Parang ang aga naman ata para sa Pasko."

"Sinabi mo pa." Naimagine ko naman si Sac na umirap pagsabi niya. "But Gracie is disappointed."

"Bakit?"

"Gusto niyang siya si Mary ang ganapan niya pero si Jireh ang napiling si Mary." Napangiti naman ako sa sinabi ni Sac. Alam kong disappointed si Gracie dahil dito. "Pero siya iyon gaganap na angel na mag-aannounce ng birth ni Jesus pati na rin sa mga magi. I told her it was a great part but she still upset." I can imagine how upset Gracie is. Napakastrong willed nito gaya ng ama niya. Alam kong pagpipilitan nito ang gusto. "Gusto ko ngang kausapin ang teacher ni Gracie na siya na lang ang gawin si Mary, palagay mo ba papayag sila?" That concern coming from Sac...

"Huwag mong gawin iyon, Sac. Okey lang yan na hindi siya ang gumanap na Mary."

"Eh paano 'to? Mukhang ayaw sumali ni Gracie unless siya si Mary. Wala na akong maisip na paraan para mapilit siya."

"Hmm...Maybe...maybe find a movie na there's an angel in it. I mean iyon children story na about nativity rin at yun maeemphasize iyon angel. "

"Ha? May ganoon ba?"

"Tulungan kitang maghanap. Teka, teka, alam mo yun Super Book na cartoons?"

"No. What is that?" Napairap nalang ako kay Sac. "Sac naman...Pumunta ka sa laptop mo at magsearch ka sa youtube na Super Book about sa nativity. Dali!"

"Okey. Okey."

"Sabihan mo na lang ako kapag may nakita ka. I will do my own research. Bye."

Binaba ko na ang telepono at naupo at nag-isip kung paano namin maeengganyo si Gracie sa part niya na angel. Napangiti naman ako sa naisip ko.

"How was it?" Hinihintay ko siyang tumawag kanina pa. Matagal bago siya ulit tumawag. Mukhang successful ang attempt niya.

"She watched at first and she saw the angel and was quite convinced but then Mary showed up. Hay..." Rinig ko naman ang dismayadong tono ni Sac.

"May naisip ako. Pwede ba akong pumunta sa inyo bukas after work?" Ngayon sinabi ko naman ito out loud parang may mali. Bahala na, para naman ito kay Gracie.

"Su-sure. Dito ka na rin magdinner." Natigilan naman ako sa alok niya.

"Huwag ka ng magpaluto. Magdadala na lang ako ng pizza. Kailangan namin ni Gracie na maging masinsinan sa gagawin namin."

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon