Achievement Day ngayon at halos lahat ng mga bata ay dala kung hindi ang Mommy nila ay ang Daddy nila. Kahapon ay abala kami sa pag-aayos ng classroom dahil gustong ipakita ni Ms. Lorie, ang bagong lead teacher na kapalit ni Ms. Mikay ang mga iba't ibang achievements ng mga bata.
"Hi Ms. Rachel, this is my Papa." Ngumiti ako ng lumapit sa akin si Jireh kasama ng Papa niya. Nahiya ako ng tumingin sa akin ito. Ang gwapo ng Papa ni Jireh. Mukhang ibang lahi.
"Hi-Hi Sir! Rachel po. Welcome to our school." Nakipagkamay sa akin ang Papa ni Jireh. Hindi ko inakala na ganito kagwapo ang Papa ni Jireh na tinalo pa si Dave. Well, saan pa nga ba magmamana si Jireh ng ganda niya. Ang ganda rin siguro ng Mama niya.
"Good Morning Ms. Rachel. Zeke Wilson. Pleasure meeting you. I heard a lot of stories about you from Jireh." Nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Mr. Zeke Wilson. Ano naman kaya ang kinukwento sa kanya ni Jireh?
"She is pretty right, Papa?" Tumingin sa akin si Mr. Wilson at tumango. Napatungo ako sa hiya.
"Ikaw talaga Jireh." Ngiting-ngiti sa akin si Jireh. Sa lahat ng mag-aaral sa second class ni Miss Lorie si Jireh ang pinakamabait. Madaling kausapin ang bata at hindi nagtatantrums. Hindi ko sinasabi ito dahil sa sinabi niya na pretty ako. Pero mabait at good-natured na bata kasi Jireh.
"Pero mas maganda pa rin si Mama, di ba Papa?" Lalo akong napangiti sa sinabi ni Jireh. She is really sweet.
"Oo naman, anak. Wala ng gaganda pa sa Mama mo." Kinilig naman ako kahit hindi sa akin patungkol ang sinabi ni Mr. Wilson. Paano kaya makabingwit ng kagaya niya? Hay, Rachel, may Dave ka na. Umayos ka!
"Where is your Mama?" Tanong ko sa bata. Umiling lang ito.
"Mama is sick because my baby brother in her stomach makes her sick so she cannot come, di ba Papa?" Ginulo ni Mr. Wilson ang buhok ni Jireh at tumango sa kanya. Buntis pala si Mrs. Wilson.
"Please have a seat Mr. Wilson, Jireh." Napatingin naman ako kay Ms. Lorie ng magsalita ito." Nalimutan ko na ang dapat kong gawin dahil kay Mr. Wilson.
"Alright." Ngumiti si Mr. Wilson. "Nice meeting you Ms. Rachel." Hindi na ako nakakibo dahil sa pagngiti niya.
Parami na ng parami ang mga magulang na dumarating. Tumingin ako sa list of parents at sa respective seats nila at halos lahat ay occupied na. Dumako ang paningin ko sa upuan ni Gracie. Wala pa rin siya at ang Daddy niya.
"Halika na Gracie. Nandito na ang mga classmates mo." Napatingin ako sa may pinto dahil sa narinig ko. Nakita ko ang tagapag-alaga ni Gracie na si Lana na palagiang sumusundo at naghahatid sa bata na nasa bungad ng pinto at mukhang pinipilit si Gracie. Kaagad akong lumapit sa kanila.
"Hi Lana. Nasaan si Mr. Villegas?" Akalain mong hahanapin ko si Sac.
"Hahabol po. May pinuntahan lang po saglit na appointment." Bulong pa sa akin ni Lana at palagay ko ay ayaw niyang marinig ni Gracie.
"Halika na, Gracie. Pasok na tayo sa loob. Doon na lang natin hintayin ang Daddy mo." Nilapitan ko si Gracie at nilahad ang kamay ko. Tiningnan ako ng masama ng bata.
"I hate you!" Ngumiti ako sa sinabi niya. Sa araw-araw na pagkikita namin ni Gracie hindi papalya na sasabihan niya ako ng 'i hate you'. Napapangiti na lang ako sa sinabi ni Sac na gusto ako ng anak niya pero ang pinapakita nitong ugali sa akin ay iba. Palagay ko ay hirap mag-express ang bata ng nararamdaman pa niya.
"I know, Gracie but hating me doesn't change the fact that we should go inside the classroom so that Ms. Lorie can start the program. We don't want Ms. Lorie to wait, right?" Lalo lang akong sinamaan nito ng tingin. "Tsaka nasa loob na ang bestfriend mo na si Jireh." Biglang nagbago ang mukha ni Gracie.
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.