Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ito pero pakiramdam ko naman ay malungkot si Sac dahil sa mapungay ang mga mata nito.
"Good Morning." Bati ko at ngumiti sa kanya. Magkatapat kami at nasa iisang kumot pa rin. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa ilalim ng kama at hinapit ako papalapit sa kanya. Ramdam ko ang init ng palad niya dahil wala akong saplot sa loob ng kumot. We made love again and it was wonderful. Parang ang nangyari sa amin kaninang umaga ay iba sa mga naging pagniniig namin. We were both open. No inhibitions, no holding back. It was not wild and demanding but passionate and giving. Naramdaman ko iyon. I even shed a tear because of the overwhelming feelings that I felt. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal.
"Good Morning, sweetie." Halik niya pa sa sintido ko. Nangilabot naman ako sa simpleng gesture niya na iyon. Magaling ata talagang magpakilig ang asawa ko. "I want to show you something." Hinalikan pa niya ako sa pisngi. Tumingin naman ako rito na nagtatanong.
"Ano 'yon?"
"You'll see." Hinalikan niya ako sa labi bago ito bumangon ng tuluyan. Nagulat naman ako ng bigla niya akong binuhat mula sa kama. Napasigaw ako. "But first let me take care of you." Napatili ako lalo ng pinalo niya ang pwetan ko.
"Take care of me?"
"Papaliguan muna kita." Hindi na lang ako makasagot dahil sa ngiti na dinulot ng sinabi niya.
...
"Matatapos mo na ba ito?" Dinala niya ulit ako sa studio niya at nakita ko na naman ang painting niya na nag-aagaw ang liwanag at dilim pero ngayon ay mas nangibabaw na ang dilim sa painting niya. Hindi ko alam kung ito na ba talaga ang painting niya o ang pang-unang pinta niya palang dahil wala pang definite na porma sa canvass. Napapaisip naman ako kung abstract painting ba ito dahil wala akong madeduce na image.
Bumalik na ulit siya galing likod na may dalang mga pintura at iba pang gamit sa pagpinta.
"I haven't made up my mind what to do with it." Napatitig ako sa kanya.
"So basta ka na lang nagpinta muna at sa huli hayaan na lang na may mabuo? Spontaneous?"
"Maari...that painting reflects who I am." Tiningnan ko siyang mabuti matapos ay bumalik sa painting na tinitingnan ko. Reflect who he is? Nagtatalo ang dilim sa liwanag? At ngayon nga ay mas madilim ito?
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomanceThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.