"Try the egg Daddy! Try the eggs!" Napangiti ako kay Gracie sa pamimilit niya sa Daddy niya na kainin ang itlog sa sinangag. Dinner na at sinangag pa rin ang kinakain ni Sac.
Sinundo ko sa school si Gracie. Alam na naman ni Sac na susunduin ko siya at pinaalam na niya agad sa bata. Pagkasundong-pagkasundo ko ay tumuloy kami sa grocery at namili ng mga kinain ko sa unit ni Sac at sa ingredients ng lulutuin namin sinangag.
Nagleave ako since wala rin naman akong masyadong project on hand ngayon Friday. Pinayagan naman ako ni Aaron pero nangulit pa ito kung ano raw bang gagawin ko. Sinabi ko na lang na sikreto.
Nalaman ng buong opisina ang nangyari sa amin ni Dave. Pagpasok na pagpasok ko ng opisina noon Monday ay nagulat na lang ako na masyadong caring ang mga colleagues ko. Malaman-laman ko na pinamalita ni Aaron dahil nakita na rin daw nila ang nangyari. Wala na rin naman akong magawa. Inaasahan ko na rin naman iyon. Ayoko pa nga sanang pumasok ng Monday pero talagang tinawagan pa ako ni Sac na kailangan kong pumasok at maging abala para hindi ko raw maisip si Dave. Hindi ko akalain may ganoong concern pala si Sac at binigyan pa ako ng advice.
"Wow! The eggs are delicious! Who cut the eggs?" Sinabihan ko na rin kasi si Sac na si Gracie ang naggayat ng itlog into pieces gamit ang plastic knife.
"I did! Tita Rachel showed me. Then Nanay Melda helped too!" Ngiting-ngiti si Nanay Melda sa sinabi ni Gracie. "Kumain lahat dito sa bahay tapos sabi nila...they all loved the eggs!" Napasigaw pa si Gracie at nagtitili.
"Well, you cut it perfectly, baby, that's why." Naghalukipkip pa ng braso si Gracie at mukhang proud na proud pa siya
"Daddy! Bilisan mo kumain may papakita ako sa'yo. It's amazing." Nanlaki pa ang mga mata ni Gracie. "Daddy meet you up in my room in five minutes, okay? Let's go Tita Rachel!" Nakatingin lang sa akin si Sac na tila nagtatanong. Nagkibit-balikat na lang ako.
"Gracie? Five minutes? Kakarating pa lang ng Daddy mo." Nagsalita si Nanay Melda.
"But Nanay, Tita Rachel will come home soon. It's seven forty-five. Daddy said a lady should not be out in the streets after eight." Napangiti ako sa sinabi ni Gracie.
"Okay, baby, I'll be there in two. Go ahead I'll come after you."
Pagkaakyat na pagkaakyat namin sa kwarto nito ay kinuha ni Gracie ang sketchpad niya at alam ko na kung anong ipapakita niya sa Daddy niya. Mukhang tuwang-tuwa siya sa ginawa ko sa di ko malaman dahilan.
"Ano iyon baby? Anong papakita mo sa akin?" Napatingin naman ako kay Sac ng pumasok ito ng kwarto ni Gracie. Nakatanggal na ang necktie nito at nakabukas na rin ang ilang butones ng polo niya.
"Come, Daddy." Lumapit si Sac sa anak niya at naupo sa tabi nito sa kama. Tumayo na ako ng naupo ito. "Ito oh. Flip the edge of every page quickly and you'll see it's moving." Kinuha naman ni Sac ang sketchpad ni Gracie at ginawa nga ang sinabi nito. Tuwang-tuwa naman si Gracie sa nakikita niyang paggalaw ng stickman. Tuwang-tuwa siya kasi parang cartoons ang paggalaw.
"Did you make it?" Tanong ni Sac kay Gracie at umiling ito.
"Tita Rachel did it! She draw the stick figures differently in every page so it looks like it is moving! Isn't it amazing, Daddy?" Tumingin naman sa akin si Sac.
"Yes, it's pretty amazing." Nakangiti lang si Sac at hindi ako sanay na ganoon ito. Nagcompliment na nga at nakangiti pa.
...
BINABASA MO ANG
Impression on the Heart
RomansThere would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also be people that will leave a lasting impression in your heart.